CHAPTER 12

133 17 3
                                    

#AngRollerCoaster12

Dedicated to: dhonnapot


Chapter 12 - Nagtatampo?


®©





Addison's Pov


On the next day, maaga akong pumasok sa school at pagdating ko pa lang sa loob ng classroom naroon na pala si Kevin, nakaupo at binati ako nito.

" Morning, tol. " Nakakadiri talaga sa tuwing nakangiti si Kevin, parang tanga lang.

Sumenyas ako at naglakad papunta sa table ko, nilagay ko ang bag ko sa table at umupo. Wala naman siguro akong nakalimutang assignment, right? I hissed at saka binuksan ang bag ko para tingnan ang maliit kong notebook kung may nakalimutan ba akong gawin. Oo na't masipag akong tao, masipag ako magaral at higit sa lahat..cute.

Narinig ko ang pagiingay ng upuan malapit sa akin, " Tol, ano ang ginagawa mo? " Si Kevin na naman, sana pala nagpa-late na lang ako. " Wala. " Sagot ko at ibinalik ulit ang notebook sa loob ng bag.

" Tol. Nagtataka lang ako.. " Napalunok ako at pasimpleng sumulyap sa kanya, mukhang malalim ang iniisip nito. " Ngayong nasabi ko na kung 'sino' ang crush ko—kaya lang nagtataka ako sa ibang bagay. Nitong nagdaang mga araw, parati kang naiinis sa akin..at saka 'e diba ang buong akala niyo si Alyssa ang crush ko? "

Napalunok ulit ako, gagu! Ano ang gustong sabihin nito?

" Kaya napaisip ako, noon kapag lumalapit ako kay Alyssa o minsan naguusap kami, out of the blue dumadating ka tapos bigla kang maiinis sa akin. Katulad na lang nung nasa ramen shop tayo at during the basketball game, tol? " Tumingin siya sa akin at nakapalumbaba sa table ko.

" What? "

Umagang umaga nanguusisa ang pabebe na 'to.

" Nagseselos ka ba? " Bigla akong naubo at pakiramdam ko hindi ako makahinga, lol corny. " Abnormal ka ba!? " Inis kong tanong sa kanya.

Nakita kong mukhang naguguluhan pa siya, " Ang ibig kong sabihin, nagseselos ka ba noon sa ramen shop, kasi ipinagpalit na kita kay Alyssa? Tol, alam ko—alam kong tayo ang closed nung wala pa si Alyssa, tayo ang magkaramay..at yung sa basketball game.. tol, I'm sorry~ hindi naman kita ipinagpalit 'e~ aww~ " Binatukan ko na dahil nandidiri na ako sa kaibigan kong 'to.

" Alam mo? Abnormal ka. " 

He leaned forward at ngumiti na parang ewan sa akin. At ngayon, nawi-weird'ohan na ako sa kanya, nakakadiri na 'to.

" Nagjo-joke lang ako—nagseselos ka ba dahil may crush ka kay Alyssa? Kasi diba, nagtataka kayo kung bakit close na close kami at parati akong dikit ng dikit sa kanya, kaya naisip niyo na crush ko siya—pero kapag ginagawa ko naman 'yon, bigla ka na lang maiinis sa akin.. akala mo hindi ko napansin? Ngayon maliwanag na ang lahat sa akin, saka ipinagdugtong dugtong ko lahat kagabi, halos hindi nga ako makatulog. Na curious kasi ako tol, pero Addison.. crush mo siya? "

Nakatingin lang ako sa kanya,

" Hoy tol! Tinatanong kita kung crush mo siya? " Inalis ko ang tingin ko sa kanya.

" Tol naman! Tinatanong kita..hindi mo ba sasabihin sa akin? Akala ko magkaibigan tayo—mmm. " Nilagay ko ang kamay ko sa bibig niya para hindi na makapagsalita.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon