CHAPTER 23

130 11 6
                                    

#AngRollerCoaster23


*Video above: Ang Roller Coaster Cast Version.


Chapter 23 - Elliot James Lee





♡ αƦʗ ♡ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

αƦʗ  







Addison's Pov



Tsk. Paulit ulit sa isipan ko ang practice match nung isang araw.

Nakakagigil lalo. Nice, kung dati kahit hambog si James hindi naman ako nanggigigil ng ganito pa sa kanya kasi wala naman talaga akong pakialam sa taong yon.. ano sasayangin ko ang oras ko sa kanya? Gusto lang kasing magpapansin. Pero nung makita kong ngingiti ngiti siya kay Alyssa? Nakakainit ng dugo, parang gusto ko na lang manaksak ng mga tao, lalo na ng mga pabebeng nadadaanan ko!

Hindi ko alam kung malas ba talaga ang araw ko non at maswerte lang si James at ng team niya—yes, panalo sila. Panalo sila sa practice match, kung dati okay lang sa akin this time hindi na! Kaya nga hindi ako maka move on sa araw na yon.

Kainis, bwiset.

" Addison, pinapatawag tayo mamaya ni captain, may important daw sasabihin. "

Lumapit sa akin si Kevin at sinabi yon. Tinanguan ko na lang, ayaw kong magsalita, magsasayang lang ako ng laway, tsk. " Oh? Bakit parang gusto mo na namang pumatay? Wait a minute tol, wala naman akong ginawang masama sayo diba? Katakot. " Sabi niya pero tiningnan ko muna siya, abnormal din 'to, kung siya ang problema ko kanina ko pa nagawan ng paraan, edi sana ngayon okay na okay na ako.

" Shut up. Hindi sayo. "

Naupo siya sa unahan ko, ano na naman kailangan nito?

Basta talaga mga pabebeng katulad ni Kevin, kalalaking tao, napaka chismoso. " Kanino? Kay Flynn? Eh diba hindi na yun sumasama sa inyo ni Alyssa? Ikaw talaga Addison, araw araw ka na lang nagseselos. Baka tumanda ka nyan. " Sinamaan ko nga ng tingin para tumahimik na?

" Pwede ba? Pati ikaw gusto ko nang murder'in. "

Pinagtatawanan pa ako ng loko. " Gagu ka. Pero sino ba yan? Sino yang gusto mong wakasan ang buhay? " Kita niyo na? Chismoso talaga.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon