CHAPTER 18

141 11 6
                                    

#AngRollerCoaster18


Chapter 18 - Ocampo's Residence




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ αƦ ʗ ♡









Alyssa's Pov



Excited na excited na talaga para mamaya. Hindi ko na tuloy maitago na sobra akong excited sa pagdating nila maya maya lamang, kahapon kasi napagusapan naming magkakaibigan na kung okay lang ba daw sa akin na bumisita sila ngayong araw sa bahay. Syempre ito ang unang beses na may bibisita sa akin na mga kaibigan dito sa bahay.

Kaya sobrang saya saya ko and mabilis akong napa-oo, tuwang tuwa pa nga sina Alexis at Flynn.

Medyo nakakalungkot lang kasi hindi makakapunta sina Kevin and Sabrina, may lakad daw sila-ayaw naman naming istorbohin sila, kaya okay lang.

Tsaka.. first time makakapunta ni Addison dito.

" Mabuti na lang pumayag syang sumama, kasi kung hindi baka magtatampo ako sa kanya. Hihi~ "

Pumasok si manang sa loob ng kwarto ko noong pagkatapos nyang kumatok. " Hija, malinis na malinis na ang ibaba at dito sa itaas, ayaw mo bang palinisan itong kwarto mo? " Nakangiti akong umiling kay manang. " Hindi na po, nalinisan ko na ito kanina pa. "

" Nako.. mukhang makikita sa iyo na nasasabik ka na sa pagdating ng iyong mga kaibigan. Nga pala hija, ano ano ba ang gusto mong ipaluto sa amin? Nakapagsimula na nga pala kami, pero kung may ipapahabol ka, sabihin mo lang hija. "

Kahapon paguwi ko galing school, dumaan muna ako sa market para bumili ng mga lulutuin ngayong araw para sa lunch namin.

Yes, mamayang lunch ang kanilang dating. Ayaw ko namang maubusan kami ng pagkain, tsaka mahalaga para sa akin ang araw na ito, kaya malaking celebration! I think, naparami ang bili, pero di bale na. Naisipan ko din kasing gumawa sana ng isang homemade ramen noodles.

Lumabas na kaming dal'wa ni manang sa loob ng kwarto ko, and bumaba na papunta sa kitchen area. " Gagawa po sana ako ng homemade ramen, manang. Napagaralan ko na paano gawin, easy homemade ramen lang naman ang gagawin ko and I'm sure hindi naman ako mahihirapan, ako na lang po ang gagawa non. Siguro, magluto na din po kayo ng adobo or sinigang na hipon. "

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon