CHAPTER 20

117 10 12
                                    

#AngRollerCoaster20

Dedicated To: keziahmaebal


Chapter 20 - Alyssa or Louissa?




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  ♡ αƦʗ ♡ 









Casper's Pov



Nyihihihi.

" Hoy—mukha kang baliw sa ginagawa mo. Ano na naman yang pinapanood mo? "

Tumabi sa akin si Addison.

" Wala! " Sabi ko sa kanya at nag focused ulit dun sa pinapanood ko, bakit ba kasi? Kita na ngang nanonood ako ng cartoon sa phone ko, tsaka di naman niya 'to phone ha? " Pabebe. " Lumayo siya ng kaunti sa akin.

Tinawana ko na lang, gusto yatang pansinin ko siya? Sorry busy ako, hahaha. Nakakatawa talaga 'tong pinapanood ko, nakakamiss ang childhood ko, ngayon kasi minsan na lang ako makapanood ulit mabuti na lang may youtube at pwede nang manood gamit ang isang cellphone. Teka ano ba kasi 'tong kailangan ni Addison? Hindi yan lalapit sa akin kapag walang kailangan yan.

Napilitan tuloy akong e-pause iyong pinapanood ko.

" Bakit? " Tumingin ako sa kanya.

Haluuu! Nakakunot na naman ang mga noo nito! Tingnan niyo na? Maayos talaga kausap 'tong tao na 'to. " Yey! Kausap ko ang hangin. " Sabi ko naman at pinakita pa sa kanyang tuwang tuwa talaga ako.

" Abnormal. "

Hays.

Siya yata 'tong abnormal eh, walang modo, masama ang ugali, at higit sa lahat? TORPE capital letters!

Syempre tinitenta ko pa din siya sa mga napanood kong live na live na pagco-confessed niya sa PICTURE ni Alyssa nung isang araw. At hanggang ngayon natatawa pa din ako sa kanya, kulang na nga lang ilibing na niya ako kasi pikon na pikon na siya sa akin. Sigurado akong hanggang ngayon din hindi pa niya nasasabi kay Alyssa ang feelings niya, pabebe yata si Addison.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon