CHAPTER 26

84 9 0
                                    

#AngRollerCoaster26


Chapter 26 - Awkward



♡ αƦʗ ♡  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

αƦʗ   






Flynn's Pov



Lumabas na kami ng classroom pero nauna samin sina tol Addison at Alyssa, 'tong si tol Kevin kasi hinihintay ko pa, biruin niyo nag powder? Hahaha.

Nakita kong naguusap sina tol Addison, hindi ko pa narinig kaagad maliban na lang nung makalapit kami ni tol Kevin sa kanilang dalawa, ang weird nila. Parang may nagbago alam niyo yon? Sabay pa sila kung magsalita, parang awkward lang haha. May nangyari kaya sa kanilang dal'wa?

" Alyssa- "

" Addison- "

Tapos non naging tahimik sila at 'di makatingin sa isa't isa-

" Um.. tungkol sa nangyari- / May sasabihin ako. "

Nagkasabay na naman ulit silang nagsalita—first time ko 'tong makita, awkward talaga oh, gusto ko tuloy matawa hahaha. Tinanong ako ni tol Kevin kung ano ang nangyayari don sa dalawa, aba malay ko din, wala naman akong alam sa nangyaayri sa kanila, pero baka nga talaga may nangyari. Hahaha ang gulo lang noh? Hindi nila alam na nakikinig kami ni tol Kevin dito sa mga likuran nila..

" Sige, ikaw na ang mauuna Addison- "

" Tungkol kahapon? "

Nagkasabay na naman sila. " Ah.. hindi ikaw na ang mauuna Alyssa. "

Sabay na lang kaming napapailing ni tol Kevin. Awkward na talaga, ramdam na ramdam namin oh!

Lumapit kami sa kanila.

" Ano ba yan—hindi kayo magkakaintindihan nyan, hahaha. " Natatawa pa akong lumapit kay tol Addison, hindi ba nila napapansing napaka-awkward na? Ibang klase talaga itong mga 'tols' ko. Ayan at sinamaan na naman ako ng tingin ni tol, lagi na lang eh, bakit feeling ko laging mainit ang dugo niya sa akin? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin dati, hindi ko nga alam kung ano ang problema niya. Pero alam kong nagseselos lang siya that time dahil kay Alyssa, hahaha.

Napaka-obvious naman kasi ni tol Addison.

Lintek lang ang hindi makakapansin non huehue.

Siniko ako ni tol Kevin- " May pinagawayan ba sila? O ano? Napaka-awkward, ramdam ko hanggang dito oh! Nararamdaman mo din ba tol? " Tumango ako ng tumango kasi sumasangayon naman ako sa sinasabi niya sa akin. " Sinabi mo pa. " Nagbubulong bulungan na kami ni tol Kevin dito sa gilid, samantalang yung dal'wa hindi pa rin makapagusap ng maayos. Hahaha.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon