CHAPTER 34

43 7 0
                                    

#AngRollerCoaster34


Chapter 34 – She's Broken





αƦʗ






Author's Pov



Nanlalaki ang mga mata at litong lito si Addison sa kanyang nakikita ngayon.

Ang pagkakaalam niya ay si Alyssa itong humalik sa kanya, pero bakit nasa tapat din ng pintuan ngayon si Alyssa na gulat na gulat pang nakatingin sa kanila ng Alyssa na kasama din niya. Naguguluhan at nalilito, hindi alam ang sasabihin..

Gulat na gulat ding napalingon si Louissa sa dalagang kakarating lang at ang—tunay na Alyssa.

Pero hindi lang si Addison ang naguguluhan, kundi pati din ang tunay na Alyssa. Nasaksihan lang naman nyang may kahalikan ang taong gusto niya at pinunta niya ngayon at syempre.. kung bakit narito ngayon ang kakambal nyang si Louissa na suot suot pa ang kanyang uniform—siguradong sigurado siya don—bakit? Bakit nandito ang kakambal niya? Bakit naabutan nyang magkahalikan ito at ni Addison? May hindi ba siya alam? Ano ang nangyayari?

Tamang tama naman ang pagdating ng mga kaibigan nila at naabutan pa nito si Alyssa na nakatunganga lang habang nasa tapat ng pintuan-

" Eh? Bakit naka-civilian si tol Alyssa? " Nagtatakang sabi ni Flynn.

" Baka may dinala syang extrang damit? " Patanong namang sabi ni Kevin.

Nakatingin lamang si Alexis sa kaibigan niya pero parang may idea na siya sa nangyayari, siguro ay nakita na ni Alyssa ang kakambal nito na sigurado syang kasa-kasama ngayon ni Addison.

Dahil walang idea sina Flynn at Kevin, nagulat na lang sila nung tumakbo si Alyssa palayo sa lugar na yon, pero sigurado naman si Alexis na gulong gulo si Alyssa nung mga oras na iyon. " Alyssa—saan ka pupunta?! " Sabi ni Kevin nung daanan lang sila ni Alyssa at naglaho na sa mga paningin nila.

" Ano ang nangyari? " Flynn.

Hindi nagtagal ay may lumabas sa loob ng classroom nila—na mas lalong ipinagtataka ng dalawang sina Flynn at Kevin.

" Alyssa..?? " Flynn.

Bago pa man bilisan ni Louissa ang paglalakad upang sundan sana ang kakambal nito, nakita pa nyang nakatingin ang mga kaibigan ni Addison sa kanya at sinubukan pa nyang takpan ang mukha niya pero alam nyang huli na, dumaan siya sa tabi ni Alexis at sandali pa silang nagkatititigan, nung makalayo na sa tatlo saka pa niya binilisan ang paglalakad.

Tama nga si Alexis.. naabutan ni Alyssa na kasa-kasama ng kakambal niya itong si Addison.

" Tol Kevin—sabihin mong namamalik mata lang ako!! Si Alyssa din yon diba!? " Napahawak si Flynn sa braso ni Kevin. " Pero teka.. nandito din pala ang kakambal ni Alyssa? " Pahabol nyang tanong.

" Ewan ko tol.. naguguluhan ako. Bakit naman nandito ang kakambal niya? At ang mahalagang tanong.. sino si Alyssa sa kanilang dalawa? " Kevin.

" Malay ko! Eh.. baka yung lumabas sa loob ng classroom? " Flynn.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon