CHAPTER 28

75 8 2
                                    

#AngRollerCoaster28

Dedicated To: krungy_dara21


Chapter 28 - Addison & Louissa



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


αƦʗ







Louissa's Pov



Four days na akong pumapasok sa school, it's been a while nung dating lagi akong excited pumasok sa school, minsan inspired and may gusto lang makita kaya excited pumasok. And pareho yon ngayon.. and it is because of Addison Salazar, he makes me happy, pinaparamdam niya lagi sa aking 'special' ako, ayokong isipin na si Alyssa ang nakikita niya nitong nagdaang mga araw na kasa-kasama niya ako. Once in a lifetime lang ito, kaya pagbibigyan ko ang sarili ko, iisipin kong alam ni Addison na si 'Louissa' ang kasa-kasama niya lagi.

If bumalik na si Alyssa, baka bumalik na din ako sa dati. Laging nagiisa, hindi ko na mararamdamang lagi kong hihintaying dumating ang bagong araw, hindi ko na makikita at makakasama pa si Addison.

Ngayon lang akong naging masigla and happy ulit, kaya walang makakapigil sa aking maging masaya..

Light make-up lang ang nilagay ko.. ayoko namang maging pale ako ulit. " And gusto kong makita ako ni Addison hindi bilang si Alyssa na lagi nyang nakikita.. hindi ako magiging simple tulad ng kapatid ko. " Ewan ko kung ano ang pinagsasabi ko, bahala na.

" Basta.. gusto kong maalala niya na lang isang araw ang simple Louissa. "

Dumating na ako sa school, pagkapasok ko pa lang sa loob ng classroom nakita ko kaagad ang lalaking nagpapasaya sa akin nitong mga nakaraang araw.

Titingin siya sa akin and masisilayan naman niya ang unang ngiti ko ngayong araw.

Oo and nagpapanggap ako na bilang Alyssa, pangalan niya lang ang hiniram ko. Ewan ko kay Addison kung may napapansin syang pagbabago habang kasa-kasama niya ako, kasi nga ibang tao ang kasama and nakikita niya. Magiging masungit ako kung gusto ko, ngingiti lang ako kapag nandito si Addison, papansinin ko ang iba kung nasa mood ako, makikisalamuha ako kung kailangan—this is me, Louissa. Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang mga taong nandito, si Addison lang ang iniisip ko and gusto kong makita.

Masanay sila sa akin.

Days passed..

Mag-one week na, hindi pa rin nakakabalik ang kapatid ko. Well, mas mabuti na yon.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon