CHAPTER 36

57 4 0
                                    

#AngRollerCoaster36


Chapter 36 – Missing You





Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


αƦʗ







Author's Pov



Ilang araw na ang lumilipas at mapapansin talagang may nagbago sa pagkakaibigan nila Alyssa at Addison, mapapansing nagkakailangan at hindi sila nagpapansinan. Hindi naman nila ginusto yon pero mangyayari at mangyayari pa rin yon, kahit gustuhin man nilang magpansinan, wala pa ring nangyayari.

Awkward talaga..

Ramdam yon ng mga kaibigan nila pero pinili ng mga ito na tumahimik na lang at pabayaan muna ang dalawa, kung gusto nitong dalawa na magkaayos sila gagawan din nila ito ng paraan, hindi man sanay sina Flynn na ganito ang dalawa, wala silang choice kundi pabayaan na lang ang mga ito. Minsan naman saglit na magkakasalubungan ng mga tingin sina Addison at Alyssa—pero saglit na saglit lang talaga yon, at parang wala lang nangyari, lagi silang parehong tahimik, walang kibuan na nagaganap.

Pati sina Kevin nai-stress kapag class time kasi nakikita nilang tahimik yung dalawa, mas awkward siguro yung dal'wa lalo na't magkatabi pa silang ng table.

Pero katulad nung dati, magkakasama din naman sila during break, lunch, o pupunta sa ramen shop upang kumain. Pero minsan din iiwas ang isa sa kanilang dal'wa para hindi lang magkasama, hindi na kasi natitiis ng isa sa kanila ang nangyayari. Si Alexis naman ay laging kasa-kasama si Alyssa, habang si Addison ay laging mag-isa, ayaw din nyang sumama kayna Flynn at Kevin.

" Congratulations! "

Isang celebration naman ang nagaganap ngayon.

Magkakasama silang anim, nasa isang coffee shop sila at kani-kanina lang ay umamin na sina Kevin at Sabrina na sila na.

" Congrats, Kevin and Sabrina.. bagay na bagay talaga kayo. " Sabi ni Alyssa pero deep inside.. selos na selos siya at sinamahan pa ng hindi sila nagpapansinan ng kaibigan at crush nyang si Addison.

Magkatabi silang naupo pero tahimik pa din.

" Thank you, Alyssa. " Sabrina.

Nauna nang umuwi sina Kevin at Sabrina, habang naiwan naman sa labas ng coffee shop yung apat.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon