CHAPTER 8

190 12 27
                                    

#AngRollerCoaster8


Chapter 8 - Basketball Game



ⓡⓒ     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ⓡⓒ     




Addison's Pov


Kagat kagat ko ang labi ko habang may hinihintay ako dito sa tapat ng classroom namin. Tsk, nasaan na kaya yun? At bakit hindi pa siya dumadating? Teka nga Addison, excited lang? Naglakad lakad muna ako habang kagat kagat naman ngayon ang right thumb ko. Kung kailan ang tagal ko nang naging parte ng basketball team na yan, ngayon pa talaga ako kinabahan ng ganito. Bwiset, nakakainis 'to ha.


" Ang lakas kasi ng tama mo. "


Bulong ko sa sarili ko at bumalik ulit sa kinatatayuan ko kanina lang.


Muli kong tiningnan ang orasan sa suot kong relo. 7:15 am na pala, at wala pa rin siya!? 8 am magsisimula na ang short practice namin and exactly 8:30 magsisimula na ang first game. Sumilip muna ako sa bintana upang tingnan kung sino sino ang mga taong pumapasok sa loob ng campus namin. May mga hindi ako kilala, syempre may mga taga ibang school talaga.

" Blue Flames " ang tawag sa grupong 'yon. Ang grupong makakalaban namin ngayong araw. Magaling sila, bakit? Natalo nila kami last year at nakaabot sila sa finals. Pero this time, we'll beat them!

" Addison! " Napalingon ako kaagad sa tumawag sa akin na yun. Tengene, si Kevin lang pala. Iba pa naman ang ini-expect ko.

Pumasok siya sa loob ng classroom at nilagay muna sa table niya ang bag na dala dala niya. At lumapit ulit sa akin. " Ready ka na ba para mamaya? "

" Oo. Hindi na ako makapaghintay na gumanti sa kanila. We'll make sure na tayo naman ang mananalo ngayon. "

Naging tahimik kami at napansin kong nag iinat siya.

" Si Alyssa? "

Biglang kumulo ang dugo ko.

" Oy, tol? Hindi ba pupunta si Alyssa? Sayang naman, umaasa pa akong sana makakapanood siya ng laro natin. 'Lam mo 'yon—"

Naglakad na ako pabalik ulit sa loob ng classroom, sinisira ni Kevin ang magandang umaga ko. Bwiset.

" Tol! Kausap pa kita—"

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon