CHAPTER 31

44 8 1
                                    

#AngRollerCoaster31


Chapter 31 - Wasted Chance




♡ αƦʗ ♡ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

αƦʗ  

 



Addison's Pov



Dadating ba siya o hindi siya dadating?

Kung hindi siya dadating, bakit hindi man lang siya magtext sa akin?

Kung matatagalan siya, bakit hindi niya ako sabihan?

Dadating ba siya? Kasi maghihintay ako kahit matagal.

Dadating ka ba? Sana naman Alyssa dumating ka nga, kasi ayokong masayang ang importanteng araw na 'to para sa akin.



" 6:00 pm na Alyssa, dalawang oras na akong naghihintay sayo dito. "

Mukha akong ewan at statue na dalawang oras nang nakatayo dito sa tapat ng mahabang roller coaster na kung saan unang beses kitang nakita, ilang beses ko nang napanood 'tong roller coaster ng paikot ikot, nabibingi na ako sa mga sigawan ng iba't ibang mga taong sumasakay, siguro nagtataka na yung mga iilang taong nakita ako dito at ganito pa din hanggang ngayon kung meron mang nakapansin, pero wala akong pakialam sa kanila.

Bakit?

Kasi sayo lang ako may pakialam.

Dadating ka pa ba? Mag-text ka naman oh, pero kahit hindi ka mag-text baka maghihintay pa din ako.

" 7:40 pm.. "

Nakakagulat—kaya ko palang tumayo ng mahabang oras.. pero kakayanin ko pa kayang maghintay pa?

Ano ba naman Alyssa, ilang oras na ang lumipas? Dadating ka pa ba? Gusto mo pa ba akong maghintay pa ng matagal? Baka gusto mo ding hanggang bukas kitang hintayin dumating dito sa amusement park?

" 8:00pm na.. "

Hindi mo alam kung bakit gusto kong dito tayo pumunta, kasi special yung araw nung nakita kita dito Alyssa, kaya kahit maingay, kaya kong isipin na tayong dalawa lang ang nandito tsaka kapag dumating ka na at kaharap na kita at ma-amin ko na sayong 'gusto kita', Oo.. aamin na ako ng totoong feelings ko para sayo, ngayon na mismo..

Pero ang tanong,

Masasabi ko pa kaya yon sayo? Kaya please, dumating ka na.

Nakikita ko nang pakonti ng pakonti ang mga taong nandito.. umuwi na ang karamihan, nalaman ko na maagang magsasarado ang amusement park na 'to ngayon..

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon