CHAPTER 29

51 7 5
                                    

#AngRollerCoaster29

Dedicated To: BaeBisin


Chapter 29 - Alyssa Returns!



(Louissa & Alyssa)

(Louissa & Alyssa)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


αƦʗ








Louissa's Pov



Nagpi-prepare pa lang ako pumuntang school.

Nakatingin lang ako sa mga makeup kit ko, pati yung red lipstick ko na favorite ko ilang araw ko nang hindi nagagamit. Lagi lang akong nakalip-balm kapag pumupunta sa school, nakakamiss din pala?

I thought wala akong gagawin sa weekend maliban sa mag-shopping na naman ulit or makikipagkita sa mga friends. Pero tinawagan ako ni Addison na if gusto ko daw lumakad this Sunday, wala naman akong gagawin.. and actually siya ang hinihintay ko, gusto ko nga din syang anyayahin lumabas kaya lang hindi ko ugaling gumawa ng first move—but Addison, he's different. Mas okay na yung tumawag siya. Kung saan saan lang kami pumunta nung araw na yon, we watched movie, kumain sa labas, naglakad lakad sa mga kilalang lugar dito.

Natakot ako nung isang araw..

Hindi ko naman alam na mahilig si Alyssa sa ramen, hindi rin ako mahilig kumain ng beef, kaya akala ko talaga mabubuking na ako ni Addison.

Pero yung Alexis.. sa tingin ko, may alam siya sa pagpapapanggap ko bilang Alyssa. Wala pa naman akong naririnig kay Addison if ever alam na niya ang tungkol don, malay natin—may sinabi yung babaeng friend niya sa kanya.

But I'm so glad na hindi pa din alam ni Addison.




" Let's go to the soccer field class! Come on, hurry up! "

P.E time. Even though medyo namiss ko 'tong subject na 'to, matagal tagal na din akong nawalan ng ganang magparticipate sa mga sports activities.

I hate playing volleyball. Pupunta kami ngayon sa soccer field para maglaro ng volleyball. Wala naman akong magagawa dahil hindi pwedeng hindi ako magparticipate, pagpapawisan na naman ako after this.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon