CHAPTER 17

85 10 2
                                    

#AngRollerCoaster17

Dedicated to: sasasaj


Chapter 17 - I like you? Yes, I like you.





Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ αƦ ʗ ♡  








Addison's Pov



Hindi ko man lang kayang tumingin sa kanya, lalo na sa mga mata niya.

Ewan ko ba, parang kinakabahan na naman yata ako. Bakit kaya ganito parati ang nararamdaman ko? Bwiset talaga.. magkakaroon na yata ako ng sakit sa puso nito, laging nagpa palpitate 'tong puso ko dahil sa iyo Alyssa. Gusto kong sabihin sa'yo na ang dami mo nang kasalanan sa akin, kapag nagkasakit ako sa puso ikaw ang sisisihin ko, 'e sa'yo lang ito nangyari. Tsk!

Tumingin ako ulit sa kanya, pero paminsan minsan iniiwasan kong makatingin sa mga mata niya. " Alyssa.. hindi mo ba alam? Nitong nagdaang mga araw lagi na lang ikaw ang nakikita ng mga mata ko, parati ka ding pumapasok sa isipan ko kahit hindi naman kita iniisip, kinakabahan ang puso ko na parang nagkakarera kapag naaalala ko ang hitsura mo at sinasabi ko ang pangalan mo o kapag nababanggit kita. Ano ba talaga itong ginawa mo sa akin? "

" Ano? Masaya ka na bang lagi kitang naiisip? Ikaw na lang parati? "

Tumingin ako ulit sa mga mata niya.. pero wala pa rin syang kibo tungkol sa lahat ng mga sinabi ko.

" Lagi na lang ikaw.. pati sa pangahinip ko, pinapasok mo. "

Tumingin ako ulit sa ibang direksyon, parang nauutal kasi ako kapag nakatingin ako sa mga mata ng babaeng 'to.

Napakseryoso ko, samantalang siya walang kibo—

" Sa tingin ko hindi na lang bilang kaibigan ang nakikita ko sa iyo. " Tumingin ako ulit sa kanya, tsk.. naiinis na ako! " Grabe na 'to, hindi na 'to normal pa. Kinulam mo siguro ako Alyssa? O pinainom mo ako ng kung anong potion dyan? Gagu.. napaka korny ko na talagang tao, hindi ko 'to style! "

Ano ba Alyssa, wala ka man lang bang sasabihin?

Tsk. Siguro may hinihintay ka pang gusto mong marinig? " Oo minsan talaga—ang weird mo.. pero bakit natutuwa pa rin ako? Ang weird ko na rin ba? Oh sige, pareho na tayong weird.. ang bilis mo kasing magalala para sa akin, kahit simpleng bagay lang, mabilis ka rin magtampo, lagi kang nakangiti—hindi ko alam kung bakit pumapasok sa utak ko na, baka sa akin ka lang nakangiti ng ganon. Kapag nagdadrama o nagpapacute ka kahit minsan pilit lang, ang dali kong maapektuhan.. tapos kahit ang nguso mo lang ang ipakita mo.. nacu-cute'an na ako kaagad.. ang weird diba? Kahit minsan din mukha kang masungit, cute ka pa rin para sa akin! "

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon