CHAPTER 21

131 11 10
                                    

#AngRollerCoaster21

Dedicated To: CarlCo


Chapter 21 - Visitor



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


αƦʗ







Alyssa's Pov


" Good morning, sungit! "

Tumingin ako agad kay Addison nung dumating siya.

Pero wait, sungit? Tinawag na naman niya ako ng sungit? Well, kahapon kasi sinungitan ko siya kasi hindi siya naging gentleman. Hm.

" Good morning din—Noelle! Hihi. " Napansin kong naniningkit na naman ang mga malalaki nyang mata hahaha. Ang cute talaga ni Addison kapag napipikon, kaya nga minsan sinasagad ko na ang pangungulit sa kanya, wala naman syang sinasabi except tingnan niya lang na parang wala lang or poker face, hindi naman siya nagagalit sa akin.

Actually natatakot nga akong magalit siya sa akin, hm.. huwag naman sana.

Hindi ko yata kakayanin kung magagalit man siya sa akin, lalo na hindi ko alam kung paano ba siya magalit, wait minsan na ba syang nagalit sa akin? Parang wala pa naman, iiwasan ko na lang mangyari yon.

Nagkaroon kami ng isang long exam, almost 40 minutes.

After ng class nakaramdam ako ng pagkakagutom, ilang araw na akong hindi nakakapunta sa ramen shop, kaya miss na miss ko na ang kumain ng ramen kasama ang mga kaibigan ko. Last punta ko non, si Addison yata ang kasama ko. Alam niyo ba? Ang bait bait talaga ni Addison—kasi.. ako ang pinagbayad, akala ko pa naman ililibre niya ako haha. Tinanong ko siya kung bakit ako ang magbabayad ng inorder niya, ang sabi naman niya nagtampo daw siya sa akin ng buong gabi and two minutes!

Nalito ako sa sinabi ni Addison.. hindi ko alam kung ano ang ginawa ko, pero kung ano man hindi ko sinasadya.. huhu.

" Huhuhuhu—guys, nakasagot ba kayo ng maayos? Kainis! Baka five points lang ang score ko dun. "

Lumapit sa amin si Flynn na parang umiiyak. " Bakit? Hindi ka na naman nagaral? Landian pa more. " Nandyan na naman si Addison, pagsasabihan na naman si Flynn.. ito talaga~ laging mainitin ang ulo sa mga kaibigan niya.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon