CHAPTER 2

447 32 11
                                    

#AngRollerCoaster2

Dedicated to: MissToAnyone


Chapter 2 - Alyssa Danielle Ocampo



ⓡⓒ



Addison's Pov


" May new transferee tayo tol! " Makasigaw naman 'tong si Hayashi Flynn parang ang layo lang ng tenga ko sa bunganga niya? Sapakin ko kaya 'to?

Nilayo ko naman ang pagmumukha niya sa akin. Parang bakla talaga 'tong kaibigan ko.

" Paki ko ba kung may transferee? Yayaman ba ako dyan? " Pinaningkitan ko ng mga mata si Flynn. Nag pout na naman siya. Kadiri ka talaga.

" New transferee? Eh diba, malapit na ang second semester? " Nagtatakang tanong ni Kevin. Bwisit! Saan galing 'tong lalake na 'to? Kanina lang wala siya dito. Napaka weirdo talaga neto. Bumuntong hininga muna ako bago maglaro ulit ng flappy bird sa phone ko. Bakit ba? Usong uso 'to sakin. " Iyon ang magandang tanong! "

Tumingin kami kay Flynn, parang proud na proud naman siya. Alam mo yung proud siya sa isasagot niya sa amin?

" Ano ang maganda don? " Tanong ni Flynn.

" Kasi nga.. " Naupo siya ulit sa harapan ko. At aakmang bubulong siya sa akin pero nilayo ko ulit ang pagmumukha niya. " Kamaganak ng school director ang bagong transferee. Oh diba? Jackpot siya. Pero sa tingin niyo, lalake kaya o babae? "

" Babae sana. "

Komento ni Kevin bago humigop ulit ng soft drink gamit ang straw.

" Ewan ko nga sa inyo. "

Tumayo na ako at nilagay sa bulsa ko ang phone. " Hoy, saan ka na naman pupunta tol? " Sigaw ni Flynn sa akin. " Yung malayo sa inyo. " I waved my hand.


Tatambay muna sa ako sa basketball court. Hindi naman masyadong tirik na tirik ang araw kaya okay lang tumambay dito sa mga maliit na bleachers. Saka sarap magpahangin.

" Hey, vomit-boy! "

Geez. Nandito na naman ang pabebe'ng girlfriend ni Hayashi Flynn. Saka hanggang kailan niya ba akong tutuksuin ng 'vomit-boy' na yan? Bwisit. Kung hindi lang sana ako sumuka noong makababa ako ng roller coaster at pagtawanan ako ng mga walang kwenta kong mga kaibigan.

Roller Coaster..?

Oo nga pala, kamusta na kaya yun?



Flashback


" Yey! Tapos na. Nakakatuwa talagang sumakay neto. Diba? Eh? Okay ka lang ba!? "

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon