CHAPTER 13

128 15 15
                                    

#AngRollerCoaster13


Chapter 13 - Addison's Plan




®©  








Addison's Pov



Hindi pa rin ako pinapansin ni Alyssa kahit dumaan pa ako sa harapan, likuran o sa gilid niya wala pa rin. Tsk. Ako namang ito—kailan ba pa ba ako nagpabebe? Wala naman akong ginawang masama, kaya syempre tatahimik ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga babaeng tulad nila, naiis-stressed tuloy ang cute.

" Tol! Bakit hindi ka pinapansin ni Alyssa? Nag-away ba kayo? " Makatanong naman 'tong si Flynn kailangan malapit sa mukha ko ang pagmumukha niya? Mabilis pa sa ewan kong inilayo ang mukha nitong pabebe na 'to. " Wala akong ginawa. " Sabi ko at bumalik na sa table ko.

Andyan na naman si Flynn, sunod ng sunod sa akin parang maliit na tuta. Nakakabwiset.

" Defensive? " Sabi nito na parang nagtatanong. Ang gulo niya.

Umupo na ako at nakita kong pumasok sa loob ng classroom si Alyssa—aba at nakita ko ring nagabot ang mga mata naming pareho, pero mabilis nyang inalis kaagad ang mga tingin niya. Problema ba ng babaeng 'to? Big deal ba sa kanya ang pinagusapan namin nung isang araw? Hindi naman kasi 'yon ang ibig kong sabihin.

Tsk, pwede naman syang magtanong sa akin—para maging klaro na sa kanya ang lahat at yung sasabihin ko sana.

Pero kung ipapairal niya ang pagiging pabebe niya, talagang magiging ganito na lang yata kami. Nagkikita nga pero parang hindi naman magkakilala. Hindi mataas ang pride ko, kung sa tingin kong wala namang masama sa sinabi ko o wala naman akong ginawang masama, hindi ko sila pipilitin para makipagbati sa akin. Bahala sila.

Addison naman.. iba si Alyssa.

Iba? Pinagkaiba ba saan? Bwiset, kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Iba siya dahil hindi ka pa naman niya talagang kilala, at malay ba n'yang ganyan pala ang ugali mo. Napaka-slow mo, tama nga naman si Alexis—

" Hindi.Ako.Slow! "

Sigaw ko na lang at lahat ng mga nakarinig sa sinabi ko, sa akin lahat ang mga atensyon nila. Pwede namang wag na lang nilang pansinin.

" Tol, okay ka lang? Anong slow ang pinagsasabi mo? Ah! Ikaw SLOW!? Tol? Ngayon mo lang alam? Hahaha—joke. "

Aakmang susuntukin ko sana pero alam ko namang hindi ko magagawa iyon kasi nakaupo ako at malayo siya sa kinauupuan ko, pasalamat 'tong pabebe kong kaibigan. Napansin kong nakatingin pala si Alyssa sa akin habang nakaupo sa table niya—tsk, kung bakit kasi magkatabi pa kami ng upuan? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bwiset Addison—hindi ka na cute, corny mo tol! Pero ayun nga, mabilis na naman nyang binawi ang tingin niya at tahimik lang.

Nakakainis, bwiset.

Bakit ba hindi na lang mamansin? Naapektuhan ang utak ko oh!!


Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon