CHAPTER 22

93 7 6
                                    

#AngRollerCoaster22


Chapter 22 - Jealousy





αƦʗ








Third Person's Pov



Naiinis na ako kay Flynn, napapansin ko lang ha! Laging dikit ng dikit kay Alyssa at minsan inaakbayan niya pa kahit alam nyang nasa harapan niya ako.

—kaya lang wala syang alam tungkol sa feelings ko, maliban kay Casper.

Kahit na! May girlfriend siya at dun siya sa pabebe nyang cutie-pie, at kapag ayaw ko ang nakikita ko, ayaw ko.

Magkasama kami galing sa canteen at pabalik na kami sa classroom, kasama naman namin ni Alyssa 'tong si Hayashi Flynn, tapos heto at aakma nyang aakbayan si Alyssa kasi nasasaktan daw siya sa naging komento ko nung malaman kong wala at absent si Alexis at nalulungkot daw siya-

" Aray ko naman tol Addison.. huhuhu. "

Kinuha ko ang kamay niya at tinulak, malay ko bang madadala pala pati ang katawan niya. Wala naman akong pakialam. Hindi naman napansin yon ni Alyssa kasi nakatalikod siya, at siya ang nasa gitnan naming dalawa ni Flynn.

" Bakit mo ginawa yon? Masakit yon huhuhu.. " Kunyari pa 'tong naiiyak siya.

Akala ba niya maaawa ako sa kanya.. pero teka nga lang, medyo naawa naman ako. Kilala ko 'tong si Flynn, mahina at malambot ang buto buto nyan.. kaya kahit maliit na bata at pinatumba siya mangyayari yon. Lumingon si Alyssa sa likuran at tinanong kung okay lang kami, muntikan na namang magsalita si Flynn, alam kong magsusumbong 'to kaya mahina kong siniko sa tiyan at hinila para sabayan sa paglalakad si Alyssa. Pero this time—nasa gilid ko na si Alyssa at ako na ang nasa gitna naming tatlo.

Kakainis naman kasi 'tong si Hayashi, ang kati ng kamay!

Ngayon panay ang pagdadasal ko na sama magattend na ng school si Alexis, dal'wang araw na kasing absent sa klase, pwede ba? Responsibilidad niya 'tong boyfriend niya. Tsk.

Kaya panay ang pagbabantay ko kay Alyssa.



Kinabukasan wala na naman ulit si Alexis kaya sabay na naman sa amin si Flynn—grabe na 'to, gusto kong hatakin ang mga taong nadadaanan ko at hilahin na lang para sakalin dahil sa inis ko kay Flynn—kasi umaastang malungkot siya para e-comfort siya, kaya si Alyssa naman dahil sa sobrang bait, maaawa kaagad siya!

Pwedeng kahit isang tao lang masakal ko para mapakalma lang ako?

Hindi na yata ako kakalma pa kapag alam kong nandito si Flynn nakadikit sa amin ni Alyssa.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon