CHAPTER 19

139 10 5
                                    

#AngRollerCoaster19


Chapter 19 - Twin Sister




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ αƦ ʗ ♡  









Alyssa's Pov



" Miss Alyssa—kailan po ba bibisita ulit sila sir Addison dito sa bahay? Namimiss ko—ay, ang ibig ko pong sabihin miss, nakakamiss kayong dal'wa. Miss~ nililigawan po ba kayo ni sir Addison? "

Umiinom ako ng gatas kasi kakagising ko lang nung kinukulit na naman ako ulit ni ate cha-cha isa sa mga kasambahay namin.

Pero mutink ko namang mailabas ang gatas na nainom ko sa huling tanong niya.

" ate cha-cha naman.. ano'ng klaseng tanong po ba yan? " Nauubo pa ako sa sinabi ko sa kanya.

Pinat niya ang likuran ko pero patuloy pa din siya sa pangungulit sa akin. " ay sorry miss Alyssa—excited lang po kasi akong makita ulit siya—ay kayo po. " Siguro nga tama ang pagkakasabi ni Addison last time, dahil siguro sa kapogian niya kaya nagkakaganito si ate cha-cha, feeling ko nga crush niya si Addison. Hindi ko naman siya masisisi haha, tsaka ang kulit.. hmm.

" Nako.. tama na nga yang pangungulit mo cha-cha, tupiin mo na muna ang mga damit na ipinasok ko kanina pa, kasi maya maya ay maghahanda na tayo ng hapunan nila miss Alyssa at miss Louissa. "

Sabi ni manang and mukhang nalulungkot naman si ate cha-cha, haha.

Nakakatuwa talaga si ate cha-cha, kung wala siya siguro tahimik ang buong bahay. Masaya kasi talaga kapag narito siya.

" Miss Alyssa—kwentuhan niyo po ako mamaya tungkol kay sir, ha? Sige po! "

Sabi niya bago umalis.

Tumango naman ako, wala naman kasi akong mapagkwentuhan tungkol sa mga kaibigan ko, si Louissa ba? Hindi kami masyadong nakakapagusap na, tsaka minsan gabi na syang umuuwi at lagi syang wala sa bahay. Kapag kakauwi naman niya, hindi pa din kami talaga nakakapagusap, lalo na sa mga bagay bagay o sa tungkol sa buhay namin ngayon. Nakakalungkot din paminsan na hindi ko siya mapagkwentuhan ng mga bagay na gusto kong ipamahagi sa kanya.

Ang Roller CoasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon