Chapter 2: I Need U (Revised)

4.2K 59 5
                                    

Dahil nasa magkaibang lugar ang ating dalawang bida kanya kanyang chapters muna sila bago magmeet hehehe. Enjoy! ^-^

♥♡♥♡♥♡

Angelo's POV

*kring*
*kring*

"Hello? Underground Academy Assassin Division... how may we help you?" Sagot ko dun sa landline ng Division namin. Mas organized na kasi ang Academy ngayon.

May Age limit na kasi ang pagiging Prince and Princesses. Sinigurado na rin namin na walang alam yung innocents tungkol sa mga org. May division training na ang bawat org. Parang specialization and training lang para sa mga ordinaryong students. But mas mahirap ang training.

Per year may mga estudyante na rin na nacoconsider as best. May mga points silang nakukuha sa bawat skill na namamaster nila at yung points na yun ang mag rarank sakanila sa year na iyon.

May mga grade level na rin kaming sinusundan. Ang mga Innocents ay may sari-sarili na ring building. Kumpleto na doon mula preschool hanggang doctoral degree.

Ang mga Underlings ay ganoon din. May sarili silang building. May age gap ang pagiging underling. Mula 9 years old hanggang 29 years old lang ang pagiging underling. Sila yung mga nagtetraining pa lang at nagpapataas ng rank. Sila yung mga dating innocent na namulat sa mundo namin. After nilang mareach yung age at underlings pa rin sila. Gagraduate na sila as Underlings sa U.A. may mga companies na nag-aaccept ng mga fresh graduates from U.A.

Ang Princes at Princesses ay nagsisimula sa 3 years old hanggang 12 years old. Ito yung mga batang heirs at heiresses ng ibat ibang org. Pag nakalampas na sila sa age limit derecho na sila sa pagiging dukes and duchesses.

Dukes and Duchesses naman ang tawag dun sa mga dating underlings na mas napataas pa yung kani kanilang skills at mga Prince at Princesses na na reach na yung kanilang age limit. 12 to 29 ang age na pwede.

Sa kings and queens naman. Yan yung mga pinakamagagaling na dukes and duchesses. Hanggang 29 lang din ang age limit. At pagkatapos nun graduate na. Pero kung masmaagang nakagraduate mas okay.

Yung Emperors at Empresses lang ang hindi nagbabago.

"Hello?"

"Hello?"

Tsk. May kausap pa pala ako.

"What do you need?" Sagot ko.

"Do you take missions?" Were assassins. That is our job in the underworld.

"Yes." Maikling sagot ko.

"Find Czeryna Lorraine Buenaventura. Kill her abductors. We will talk about the payment when you give her to us. Be fast. More than two organizations are on the look." A good challenge. But I'm not in the mood. I'm not who I was back then. Yes I smile in front of everyone. But deep inside I'm dead and hollow. I lost the girl that viewed my job as normal and accepted me as a hired killer. If only I could tell her that I need her more than anything. Too bad I cant. I don't even know where in the world she is.

*kring*
*kring*

Tinatawagan ko ngayon si JC. Siya yung madalas kong papuntahin sa mga missions.

"Hello Gelo? May problema ba?" Sagot niya.

"Team mission." Sagot ko at saka siya binabaan. Alam niya naman na ang ibig sabihin nun eh.

Mayat maya ay may kumakatok na sa pinto ng A.D.M.O. o Assassin Division Main Office.

"Pasok." Sagot ko.

"Oh Gelo! Naka simangot ka na naman!" Sabi ni Jianne. Yes assasin na siya ngayon. Ewan ko ba jan gagyagaya ng career.

"Oo nga! Lagot ka kay Crysta pag nakita ka niya!" Sabi din ni Amulet noona.

"Oo nga naman Gelo. Ngumiti ngiti ka naman para kahit papaano eh mainspire naman kaming gawin yung trabaho namin." Pangasar ni JC.

"Hahaha... grabe kayo! Hindi niyo dapat siya ginaganyan!" Buti pa si EJ hyung.

"May buwanang dalaw siya ngayon ano ba kayo! Hahahaha!" Tss. Wag na lang pala.

Sila ang Team A1. Hindi ko alam kung sino ang nagisip nun. Mga kalokohan nila yan. Sila ang number one team of assassins sa Academy. Kasama dapat ako pero tulad ng sabi ko kanina wala ako sa mood.

"Aba ewan namin sayo! Umayos ayos ka nga naman kasi! Ano ba yung misyon namin ha!?" Malamang sa malamang ay naaasar na si Jianne saakin kaya ganyan.

"Find Czeryna Lorraine Buenaventura and Kill her abductors." Sabi ko at tumayo para kumuha ng kape.

"Yun lang!?" Tanong ni EJ hyung.

"Oo. Yun lang." Ano sila siniswerte? Ako pa yung maghahanap kung nasaan si Czeryna? Manigas sila.

"Tss. Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" Aba aba! Teka nga!

"Sige wag na lang! Sa ibang team ko na lang ipagagawa! Sayang pa naman kung kayo kasi yung pupunta baka maexcite pa kayo. Lalo na at hindi lang tayo ang naghahanap kay Czeryna." Haha. Huli ka na sa pain ko ngayon.

"Ano!? Wala naman kaming sinabi na ayaw namin ah!" Reklamo ni noona. She likes challenges.

"Oh. Edi ano pa yung hinihintay niyo? Na mahanap siya ng iba?" Sige! Alis na!

Nagunahan pang lumabas ang mga loko. Yung mga pera kasi na nakukuha namin sa mga mission 60% sa school at 40% naman sa amin. Malaki laki na rin lalo na kung solo. Pero syempre mas masaya pag may team. Hindi rin naman kasi basta basta yung binabayad saamin nasa hundred thousands to millions at kung maramihan billions.

Inaaccept lang namin yung missions pagnasa katwiran naman. For example... drug lords, rouge gangsters, killer mafias etc. Hindi kami pumapatay ng mga innocents.

*kring*
*kring*

Tsk. Puro na lang tawag, tawag. Kaninang umaga pa sila tawag ng tawag. Aish!

"Hello?" Sagot ko nang hindi tinitignan kung sino.

"Geloooo!!!-" pinutol ko na yung tawag bago pa ako masermunan nung pinaka masugid na manliligaw ni Jianne. Ayaw kasi niya na pinapasama ko si Jianne sa mga mission. Walang iba kundi si Deizmond Marshall Crimson.

*kring*
*kring*

Hindi ko na lang sinagot. Stress lang yun.

*blagg*

"HELLO! HELLO! HELLO! HELLO! TELL ME WHAT YOU WANT RIGHT NOW!
HELLO! HELLO! HELLO! HELLO! IM'MA GIVE IT TO YOU GIRL RIGHT NOW!" Kanta ng lalaking kakapasok lang dito sa office.

Hay. Isa pa itong sakit sa ulo. Walang iba kundi si Giann Hyung.

"Hi Angelo!" Tsk. May anak na eh ganyan pa rin. Pano kaya nakakatiis si Jewel Noona dito?

Tumango lang ako at patuloy sa paginom nung kape ko.

"Angelo..."

"Hmm?" Nabigla ako kasi bigla na lang siyanng nagseryoso.

"Alam mo ba kung bakit umalis si Satana?"

♥♡♥♡♥♡

Spoiler. Hahaha. Lahat ng wala pang lovelife at anak sa TEA magkakaroon na dito. Hahaha.

Sa totoo lang may inside joke yung mga love teams at soon to be love teams. Hahaha.

Sana clasmeyts ko pa rin yung mga eonnie ko. Hahaha.

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥

The Innocent Queen Where stories live. Discover now