Chapter 4: We Are Bulletproof (Revised)

2.7K 47 4
                                    

Satana's POV

Maggagabi na dito ngayon. Pagkarating namin kanina nagpahinga lang kami ng konti saka naghanda para sa mission.

Kanina lang tinignan ko yung structural plan ng lugar kung nasaan si Czeryna Buenaventura. Sa isang Villa nila tinatago si Czeryna. Sabi pa sa ibang impormasyong nakuha namin maraming assassin groups na daw ang sumubok na gawin ang misyon na iyon pero walang nakabalik at nakakuha kay Czeryna.

Napagusapan na namin kanina na magiging tahimik kami sa gagawin namin. Una para maayos na mailabas si Czeryna doon. Pangalawa para hindi kami mapansin nung mga kumidnap sakanya at ang huli ay para hindi makilala nung iba pang assassin groups.

Pwera pa kasi saamin may ilang groups din na susubukang kunin si Czeryna ngayong gabi. Ilan na dito ay ang Team A1, Axassins, Bloodlust at PoisonSage. Mahigit lima pa ang pupunta ngayong gabi.

Bago ko pala makalimutan ang pangalan ng assasin group namin ay Bloody Blue Chill or BBC for short. Apat kaming members. Si Blue, si Red si Talia or Snow at ako. Ice ang ginagamit kong codename. Hail daw yung codename nung dati nilang intel at pati siya hindi ko rin kilala. Ayaw ni Talia na magkwento tungkol sakanya ewan ko dun.

"Ice. Handa na ba yung gagamitin mo?" Tanong ni Snow.
"Twin guns, kunai, isang set ng shurikens at safety vest. Okay na lahat!" Sabi ko ng nakangiti.

"Nakuha mo naba yung exact coordinates ng kwarto ni Czeryna?" Tanong naman ni Blue na nagaayos ng mini daggers niya.

"Yup. Nakasave na dito sa phone ko." Sagot ko.

"Handa ka na ba para sa pinakaunang mission mo sa labas?" Teka nga bakit yata ako lang ang tinatanong nila? Kung hindi lang nila alam eh lumaban ako dun sa second great war! Tsk.

"Opo. Kaya ko ang sarili ko. Diba nga sabi ko sa inyo kaya kong lumaban kung gugustuhin ko. Hindi lang ako papatay." Paalala ko. Baka nakalimutan nila eh.

"Haaay. Oo na nagaalala lang naman kami nila Blue at Red. O siya. Galingan natin. Para naman hindi sayang ang pagpunta natin dito sa pinas." Haaay pakiramdam ko nga eh parang hindi yata ako dapat nagpunta dito eh.

♥♡♥♡♥♡

JC's POV

Konti na lang maggagabi na. Malapit na kaming umalis para sa mission namin.

Hindi lang pala talaga kami ang pupunta doon mamaya. Ilang grupo din mula sa ibat ibang bansa ang pupunta.

Bloody Blue Chill mula sa Europe. Bloodlust mula sa Spain. Red Kunai mula sa Japan. PoisonSage mula sa America. Lethal Death mula sa Hawaii at marami pang iba.

Nakakaexcite isipin kung ano ang mangyayari mamaya.

"JC, EJ hyung, Amulet noona, Jianne, magingat kayo ha. Wag kayong magpadalos dalos. Ayusin niyo yang mga gagamitin niyo. Wala dapat papalpak." Bilin ni Angelo na napilit din naming sumama.

*flashback*

"Gelo... sumama ka na kasi!" Pagpupumilit ni Amulet.

"Hindi ko talaga gustong sumama. Kayo na rin ang nagsabi. Pagpumatay ako wala nang hinto. Wala nang makakapigil saakin. Noona... nawawalan ako ng control. Na kahit kayo eh nasasaktan ko na." Sagot niya at napayuko na lang. Buti pa nung nandito si Tana. Nakakapigil siya dahil alam niya na ayaw ni Tana na pumapatay siya.

"Sige na. Kahit magintel ka lang. Hindi kumpleto ang A1 kung wala ka." Sabi naman ni Jianne.

"Pagiisipan ko."

*end of flashback*

At yun dahil sa kakulitan nung dalawang babae, napasama din namin siya.

"Huy JC. Tara na sa van!" Tawag ni Kuya EJ.

"Oo na susunod na ako." Sagot ko.

Sana hindi magkaaberya.

♥♡♥♡♥♡

Pasensya na po... hindi ako nakaupdate nung isang araw. Bigla kasi akong naubusan ng load.

Anyway... ano sa tingin niyo? Magkikita kaya si Tana at Gelo?

Next Chapter: Yung Mission.

Vomment and Share.
-PinkPoisonYanna♥

The Innocent Queen Where stories live. Discover now