Chapter 5: For You (Revised)

2.5K 50 2
                                    

Satana's POV

Nasabasement yung kwarto kung saan tinago si Czeryna. Pahirapan ang pagkuha sakanya. Mahigit 200 ang nagbabantay sa buong villa.

"Ice... Snow... pumunta kayo sa likod ng villa. Tignan niyo kung may open basement door doon." Utos ni Red.

"Affirmative." Sabay naming sagot at dahan dahang dumaan sa likod ng villa.

"Peste ka JC! Ayus ayusin mo naman yung paglalagyan mo ng bomba!"

"Manahimik ka Jianne! Di porket protektado ka ni Deiz gaganyan ganyanin mo na lang kami!"

"Aba! Ano namang paki ko sa lalaking yun aber!?"

"Shhh... JC. Jianne. Tumigil na kayo. Hindi makafocus si EJ at Gelo sa ingay niyo."

"Sure noona."

H-hindi... n-nagkakakmali lang ako. H-hindi sila yun. W-wala sila dito...

"Ice. Namumutla ka. Wag kang matakot. Kaya natin to." Sana nga.

"Snow. May group na naglalagay ng bomba dito sa buong villa. Bilisan na natin." Palusot ko.

"Sige. Contactin mo na sila Blue at Red. Sabihin mo bilisan." Sabi niya.

Ipinagsa walang bahala ko muna yung narinig ko kanina. Ang importante ngayon ay mailabas namin si Czeryna.

"Tara na. Dapat makaalis na tayo dito bago sumabog yung mga bomba." Sabi ni snow.

Nang makapasok kami bigla na lang umalingasaw ang amoy ng dugo sa paligid. May ilan pang mga katawan na nagkalat. Nandidiri ako. May mga tao pa rin palang kayang pumatay ng ganito kabrutal. Tadtad ng saksak ang katawan nila. May ilan ding pinagbabaril ang ulo hanggang lumabas ang utak. Kanikanina lang din ay may naapakan ako at sa panlulumo ay mata pala yun.

"Wag mo na lang pansinin. Nanonood ka ng human centipede ng paulit ulit tapos takot ka sa ganyan." Bulong ni Snow.

"Iba naman kasi yun eh." Sabi ko.

Dahan dahan kaming naglakad papunta sa basement. May ilan kasing mga grupo ang nagpapatayan sa may Sala at kusina. Buti na lang at hindi nila kami napansin.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Narinig kong sigaw ng isang tinig.

Pupunta na sana ako dun pero pinigilan ako ni Snow.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Paulit ulit. Iisa ang sinasabi at iisa ang paraan ng pagkakasabi. Recording yun malamang.

"Tignan mo doon." Turo ni Snow sa di kalayuan.

Muntik na akong mahimatay dahil sa lahat ng mga taong makikita ko ay sina Ate Amulet, Jianne at JC pa. At ang masaklap pa hawak hawak nila si Czeryna.

♥♡♥♡♥♡

Angelo's POV

Nakangisi ako habang nakatingin sa mga laptop ko. Hinack ko ang CCTV para hindi makita nung mga bantay na pumasok sina Jianne, JC at Noona.

The Innocent Queen Where stories live. Discover now