Chapter 15: Hug Me (Revised)

2.2K 42 1
                                    

Satana's POV

Nagmamadali kaming sumakay ni Talia sa 1954 Mercedes-Benz W196R na napagtripang bilhin ni Blue nung minsan.

Pinaharurot namin ang sasakyan hanggang sa kakayanin nito. Gabi naman na at kakaunti na lang din naman ang mga tao.

"Talia... natatakot ako. Nagaalala ako para kay Ashai at Eli. Ang babata pa nila ate..." napapaluha na ako sa sobrang pagaalala.

*flashback*

Hinihintay kong makauwi sina Ashai at Eli dahil ibabalita ko sakanila na pwede na kaming bumalik sa Europe anytime. Lalo na at Magiging official member na ako ng BBC pagbalik namin doon.

Pero lumipas ang 30 minutes ay wala pa rin sila. Halos 2 oras na rin sila. Naisip ko na lang na nilibre na naman sila ni Tasha sa labas. Na madalas naman niyang gawin dati sa Europe.

Nagtagal pa ng isang oras ang paghihintay ko pero wala pa rin.

"Ate.. nasaan na kaya sila. Gabi na pero hindi pa rin sila umuuwi." Sabi ko na may halong takot at pagaalala.

"Mabuti pa eh sunduin na natin sila." Tumango ako at tinawagan si Tasha.

"Hello? Tasha si Percy to. Susunduin na namin kayo jan. Nasaan ba kayo?" Tanong ko.

"Ha? Hindi ko kasama yung dalawa ngayon. Nagtext ka saakin kanina na ikaw na yung susundo. Mga alas quatro y medya pa yun eh 6:36 na." Sabi niya na ikinakaba ko. Lalo na at hindi ko naman siya tinext.

"Hindi kita tinext." Mariin kong sambit.

"Sigurado ako na number mo itong naka register dito sa cellphone ko." Paninigurado niya.

Pinatay ko na yung cellphone ko at binato sa sofa na inuupuan ko kanina.

*kring*
*kring*

Pinulot ko ito at pinindot ang answer button.

The Innocent Queen Where stories live. Discover now