Chapter 26: Cypher Part 4 (Revised)

1.6K 23 0
                                    

Third Person's POV

Naghahanda na ang dalawang grupo sa nalalapit na laban. Hindi nila maikaila na natatakot din sila. Bagay na hindi nila pinapakita sa kalaban.

Marami nang namatay dahil sa malawakang labanan na ito. Pati ang mga innocents nadamay na din.

Sa likod ng lahat ng ito may isang lalaking natutuwa sa mga nangyayari... si Christian Buenaventura... aka Ingmyong-ui.

"Papa... tama na please. Hayaan niyo na sila! Para saan ba lahat ng away na ginagawa niyo!?" Sigaw ni Czeryna ang anak niya sa labas.

Nagulat lahat ng kasama nila sa kwartong iyon ng sampalin ng malakas ni Christian ang anak dahilan para mapasubsob ito sa semento.

"Huwag kang magmalinis! Hindi bat ikaw ang pumatay kay Clark?" Ngumisi ang lalaki at pinagpag ang kamay na para bang nandiri pa na nahawakan niya ang pisngi ng anak.

"H-hindi ko ginusto yon! Alam niyo yan!" Tumawa lang ng bahaw ang lalaki. Kung walang konsensya si Angelo, siya naman walang puso.

"Pwes wala ka nang magagawa! Patay na siya." Makikita ang saya sa kanyang mga mata habang kausap ang anak.

"Hindi niyo dapat ginagawa to! Pinagaaway niyo sila kahit wala namang dahilan! Your making problems that don't even exist!" Sigaw nito sa ama.

Isang putok ng baril ang nagpatahimik dito. Naramdaman ng dalaga ang hapdi sa may kanang balikat niya.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Anak lang kita!" Umalis na ang lalaki iniwan ang anak niyang duguan. Lumapit naman dito ang ilang tauhan ng ama na walang alam gawin kundi punan ang pagnanais ng kanilang katawan.

"Mahal na prinsessa. Hayaan mong pasiyahin ka namin."

"Hindi mo na mararamdaman ang sakit na yan maya maya."

"Napakaganda mo... napakatamis pa ng amoy. Ganoon din kaya ang lasa mo?"

Bago pa mahawakan ng mga manyak ang babae. Nabaril agad ang mga ito ng isang Sniper.

Tumayo ang babae at hinanap ang bumaril. Napansin niya ang isang babaeng balot ng itim na papalayo. Sinundan niya ito at akmang aalis na gamit ang kanyang motor ng hawakan niya ito.

"T-tulungan mo ako. Kailangan ko nang makaalis dito... Please. I'll do anything." Pagmamakaawa niya sa estranghera.

"Hindi muna ngayon."

Czeryna's POV

Ayoko na! I hate this! I hate my life! Dad never cares about me! All he knows is that I am his Daughter who will do anything for him. Anything to earn his love!

"Princess... Pasok na po tayo sa Loob. Gagamutin pa po natin yang sugat niyo." Sabi ng isa sa mga tauhan ni papa na may pake saakin. Yung iba kasi masahol pa sa basura ang tingin saakin. Sino nga ba naman ako? Isa lang naman akong bastarda.

Dapat si Papa na lang ang namatay. Sa dinami rami pa kasi ng papapuntahin niya sa Casino si kuya pa. Hindi ko sinisisi ang mga taga Emperia dahil sa pagkamatay ni kuya. Kundi dahil kay papa wala naman siya doon eh. Walang karapatang maging ama si papa. Si kuya nga na legal niyang anak hinayaan niyang mamatay. Ako pa kaya diba? Baka nga siya pa ang pumatay saakin eh.

Sisiguraduhin ko na dadanasin ni papa lahat ng paghihirap namin ni kuya sa mga kamay niya. At ako mismo ang papatay sakanya.

♥♡♥♡♥♡♥

Short update lang... Happy sembreak and Happy All Souls Dayyyyy!!!

Vomment and share!
-PinkPoisonYanna♥

The Innocent Queen Where stories live. Discover now