Chapter 18: Trouble (Revised)

2K 36 1
                                    

Sataniel's POV

"Uncle. Bakit parang wala si Tito Angelo sa sarili niya? If I didn't know better I would think na isa siyang zombie or a wandering spirit." Napatigil ako sa pagaayos sa baril ko.

"Yeah. He seems so off. And he has been out for more than he should. Minsan nga mas tulala pa siya kaysa dati. Not that its bad. Masyado lang kasi siyang nagiging tahimik this past few days." Sagot naman ng maganda kong anak.

"Yup. Ever since Thanacia and Tita Satana left for Davao. He has always been like that."

"Xan! Didn't your dad tell you not to say that?" Nagulat yata sila dahil nagsalita ako.

Oo. Nasa Davao lang sina Satana at napag usapan na namin nila Xander na hindi sasabihin yun kay Angelo.

Para na rin makapag isip isip sila. Lalo na at hindi alam ni Thanacia na si Angelo ang ama niya.

Naaawa nga ako sa batang yun eh. Napaka inosente niya. Ni hindi yata sinabi sakanya ni Satana na delikado ang buhay niya lalo na at nagkaalitan Si Daddy at si Señor Domenico Sky.

Hindi naman siguro sasaktan ng kanilang organisasyon ang isang bata.

"Sorry tito. I just don't know why we should hide it to him. Tito Angelo is really sad you know." Yes. Alam ko yun. Pero hindi ko pwedeng isaalang alang ang kaligtasan ng kapatid at pamangkin ko.

"And tito... Ashai called me last night. She said Tita Satana was very sad too. And that she wouldn't come out of her room." Hay nako. Satana and Angelo are still kids. Their decisions caused them trouble.

Wait... what!?

"Xandria! How did Thanacia call you?" I mean seriously?

"Calm yourself tito. The device can't be tracked. Elijah and Gray made it." D*mn these kids.

"Come on dad. Chill." God I cant believe these kids.

♥♡♥♡♥♡

Blue's POV

"Satana. Lumabas ka na jan. Hindi pwedeng araw araw ka na lang ganiyan. Hindi ka na kumakakain. Iyak ka na lang ng iyak. Satana kung mahalaga sayo ang anak mo lumabas ka na jan. Nagaalala na si Ashai sayo." Kinakatok na naman ni Red si Satana.

Napailing na lang ako. Matagal ko nang alam na gusto ni Red si Satana. Nung unang beses pa lang niyang makita ito ay para bang nagkakulay ang mundo niya.

Nagkahiwalay kasi ang Papa at Mama niya noong bata pa sila ni Deizmond. Kinuha ng mama niya ang nakababatang kapatid nito habang naiwan siya sa babaero niyang ama.

Natuwa ako para sakanya ng sabihin niya saaking gusto niya si Satana. Pero alam ko rin na hindi nito kayang ibalik ang pagmamahal nito para sakanya.

"Tito Red. Lets just let my Mom be. She wouldnt listen anyway." Pailing iling na sabi ni Ashai.

Matalinong bata si Thanacia. Hindi pa nga yata alam ni Satana na tumatanggap ng Misyon si Ashai mula sa Agency. At hindi rin alam ni Satana na matagal nang namulat sa mundo namin ang anak niya.

"Tama na yan Red. Tama si Ashai. Hindi ka rin naman papakinggan ni Satana. Hayaan mo na siya. Tulad nga ng sabi ko. Babalik din siya sa dati hindi man ngayon pero babalik din siya." Sabi ko sakanya.

"Ashai. Mauna ka na muna sa baba." Utos nito kay Ashai na ikinataka ko naman.

"Sure tito. But please don't bother my mom anymore." And then again Ashai is very smart and a very keen observant too. And I know she noticed that our colleague took deep notice in her mother.

Nagpunta kami sa balcony at nagsindi siya ng sigarilyo.

"Ahgh!" Napasigaw si Red na ikinagulat ko.

"I can't take it anymore. Nandito naman ako para sakanya ah. Nageeffort ako para lang mapansin niya ako but d*mn! Si Angelo pa rin ang hinahanap hanap niya. Hanggang ngayon siya pa rin." Sabi nito na maluha luha na.

"You know how much Satana loves Angelo and how much more Angelo loves Satana. Just be happy for them Red." Sabi ko naman. This is what scares me the most. When his liking for Satana turns to obsession.

Kwinelyohan niya ako na naging dahilan ng muntik ko nang pagkahulog mula sa banister.

"Bullsh*t! And now you suddenly become a love expert? Remeber this Blue. I WILL HAVE SATANA. She will be mine and don't you dare stop me. You still don't know all my capabilities." Saka niya ako binitawan.

Napailing na lang ako. I need to chose between losing my half brother to save Satana and Keeping him and losing my comrades trust.

♥♡♥♡♥♡

Homayghad! Half brothers pala si Blue at Red! I cant belibet!

Anyway... ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari. Grabe si Satana haba ng Hair!

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥

The Innocent Queen Where stories live. Discover now