AILA
Nakakabagot naman! Sunday kasi at wala akong anumang lakad kaya heto ako, naka tunganga sa bahay.
May ginagawa kasi sina Yumi, Amy, at Elisse, pare-parehong busy kaya hindi ko maistorbo.
Si ninang naman ay wala sa bahay, nandun siya ngayon sa parlor niya. Tumayo ako tumingin sa labas, maganda pa naman ang araw ngayon.
Alam ko na! Ipapasyal ko na lang si Lala sa park. Si Lala nga pala yun yung aso ko, regalo yun ni Clarence last year nung birthday ko. 'Lala' ang ipinangalan namin sa aso kasi parehong may 'La' ang name namin.
Nung makalabas na kami ni Lala sa bahay ay ni lock ko muna yung pinto at gate bago kami naglakad.
Hawak ko yung tali ni Lala habang naglalakad kami, nang makarating kami sa park ay umupo muna kami sa may damuhan at pinanood yung mga batang naglalaro. Bigla ko tuloy na miss yung childhood days ko.
May biglang tumabi sakin, pagtingin ko ay si Ace pala.
"Hi." Ngiting wika niya habang nakatingin sa 'kin.
Nice, Feeling close din 'tong lalaking to eh no?
"Oh, hi." Tipid kong sabi.
"Anong ginagawa mo dito sa park?" Tanong niya sa akin. Hindi ba obvious?
"Bakit masama? Eh taga dito ako eh"
"Ahaha di naman, aso mo yan?" Tanong nito at itinuro si Lala.
"Yup! Siya si Lala, eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"May kaibigan kasi ako dito, bumisita lang"
Kwentuhan lang kami habang naka-upo, okay naman siyang kausap, mabait sya, pero halatang casanova. May pagka flirt pero hindi naman bastos.
Medyo nagiging komportable na din ako sa kanya habang magkausap kami. At may nalaman pa ako, pinsan pala niya yung fiance ni Clarence. What a coincidence!
"Hm Aila, pwedeng favor?"
"Ha? Anu naman?" Anung favor naman kaya hihingin nito? Feeling close talaga.
"Hmm... Pwede ba tayong maging friends?" Ngiting tanong niya.
"Sure, why not?" Okay lang naman makipag kaibigan. Lalo na at walang Clarence ang magbabawal sa akin.
Ngumiti siya, ngayon ko lang napansin... Gwapo din pala to, pero mas gwapo parin si Clarence.
Habang nagkukwentuhan kami ay bumili pa siya ng dirty ice cream. At kumakain kami habang naka upo dito sa may damuhan.
May ilan pa nga na napapatingin sa amin, baka akala nila eh mag jowa kami nito. Asa, hidni ko to type.
Si Lala naman ay halatang ayaw sa kanya, kanina pa ang sama ng tingin kay Ace eh, tinatahulan pa, kung hindi ko lang binabawal baka kanina pa nakagat tong lalaking to.
And gentleman din 'tong si Ace, hinatid pa ako sa bahay nung umuwi na kami ni Lala.
"Thanks sa paghatid, and pati dun sa ice cream, dapat hindi kana nag abala pa"
Medyo nakakahiya lang talaga kasi, kahapon lang kami nagkakilala tapos ay nasungitan ko pa siya.
"It's okay, magkaibigan naman tayo" aniya.
Nginitian ko lang siya, pagkatapos ay tinahulan na naman siya ni Lala.
"Sige, mauna na ako" paalam ni Ace habang nakatingin kay Aila.
"Okay, kita kits na lang sa monday" Nag wave lang siya tsaka umalis. Tapos si Lala naman ay tumigil lang sa kakatahol ng talagang wala na si Ace, at ayun pumasok na sa loob ng bahay, ano kayang problema ng asong yun?
Papasok narin sana ako ng may makita akong pamilyar na motor na nakahinto hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Im 100% na kay Clarence yun, kahit may suot siyang helmet I'm still sure na si Clarence yun, kaya naglakad ako palapit sa kanya.
"Mak, anong ginagawa mo diyan?"
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay ini-start lang niya ang motor niya at aktong aalis na.
"Hey, I'm asking you, anong problema mo?" Tanong ko. Humarang ako sa harap ng motor niya para hindi siya tuluyang maka alis. This time ay inalis na niya ang helmet niya at mukhang inis na inis ang mukha siya.
"Ikaw ano bang problema mo? Bakit kasama mo ang lalaking yun? Alam mo namang kahit anong mangyari ikaw lang ang mahal ko pero nagagawa mo parin akong pagselosin ng ganito katindi!" Inis niyang sambit habang naka kunot ang noo. Dahil sa inaakto niya ay hindi ko mapigilang di mapangiti, ang cute niya kasi talagang magselos.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Mak naman, kaibigan ko lang si Ace, alam mo rin naman na ikaw lang din ang mahal ko hindi ba?"
"Nakakainis lang kasi, ang ganda ng mood ko kanina habang papunta dito, tapos ay makikita ko lang na may katawanan kang ibang lalaki? Tss.." Inis talaga siya.
"Wag ka nang magselos diyan, halika kiss na lang kita" ngisi kong wika. Yung kaninang nakakunot noong mukha ay biglang nagliwanag ng marinig niya ang sinabi ko, adik talaga to!
"Sige, mas gusto ko yun, kiss mo na nga lang ako, mak ko"
"Baliw ka talaga" natatawa kong sabi sa kanya.
"Oo alam kong baliw ako, matagal na, matagal na kong baliw sa'yo"
Kinurot ko lang siya sa tagiliran kaya napa "aww" ang loko.
"Mak naman eh"
Napatigil ako sa pagtawa ng marinig kong tumunog ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ni Clarence ang cellphone at sinagot ito.
"Hello ma, bakit po? Ha? Pwede bang mamaya na lang, may gagawin pa ako. Pero... Okay, okay"
"Mama mo?" tanong ko sa kanya
"Oo, pinapauwi ako, importante daw eh"
Tumango na lang ako, Hinalikan muna niya ako sa noo bago siya umalis.
**
*Kinabukasan*
"Aila bangon na, may pasok ka pa" boses ni ninang Josie ang una kong narinig pagkagising ko.
Ugg, Monday na nga pala ngayon, may pasok na!
"Sige po, bababa na ako" tamad kong sagot.
Kahit ayaw ko pa ay bumangon na ako at dumiretso na ako sa banyo at naligo.
Pagkababa ko ay nakita kong nakahanda na ang almusal sa mesa, nandun na din si ninang, nandun din yung kaibigan niya, si tita Brenda.
"Hoy brenda, abot mo nga sakin yang diyaryo" sabi ni ninang.
"Naman, kita namang kumakain ang tao eh, ikaw na lang" sagot naman ni tita Brenda.
"Iaabot mo o babayaran mo yang kinakain mo?"
"Ito naman," Tumayo si tita Brenda, kinuha niya ang diyaryo at binigay kay ninang. Habang nagbabasa si ninang ng diyaryo ay narinig kong napa-ubo si Ninang, umiinom kasi siya ng kape.
"Ninang, okay ka lang?"
"Alam mo na ba ang tungkol dito?" Ani ninang at inabot niya sa akin yung diyaryo, kinuha ko naman at pati si tita Brenda ay nakitingin din.
At ang bumungad sa akin ay ang picture ni Clarence kasama ang fiance niya, at naka lagay doon na nalalapit na kasal nila, 2 weeks na lang at ikakasal na sila.
Bakit? Bakit ganun kabilis? Ikakasal na sila, agad agad? atat ba masyado ang magulang nila?
Masakit? Oo sobra! Sinong hindi masasaktan sa sitwasyon ko 'to?
"Oh my, yung ex jowa mo yan hindi ba?" Ani tita Brenda.
Hindi ko na lang sya sinagot, inilapag ko na lang yung diyaryo sa mesa at kumain na lang.
Buti at di na sila nag usisa pa.
Dahil nawalan ako ng gana ay konti lang ang nakain ko, tsaka na ako pumasok sa school.- Hazlyn Styles -
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...