AILA'S POV
Pagkabukas ng mata ko ay puting paligid agad ang nakita ko. Nasaan ako?
"Mak" nag-aalalang boses ni Clarence ang narinig ko.
Napatingin ako sa gilid ng kamang kinahihigaan ko at nakita ko doon si Clarence. Sobrang nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Kaya naman inabot ko ang mukha niya gamit ang kamay ko at marahang hinaplos, siya naman ay hinawakan ang kamay ko at linapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Thank God at okay kayo, sobrang nag-alala ako sa inyong dalawa" aniya.
Nakahawak siya sa mukha ko at ulit-ulit na hinalikan ako sa noo. Ako naman ay nagtataka sa mga sinasabi niya, sinong kami ang sinasabi niya?
"Mak, anong sinasabi mo diyan? Sinong kami? Ako lang naman ang nandito ah"
Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa ibabaw ng tiyan ko
"Mak, you are one month pregnant to our first baby" Nakangiti siya habang sinasabi yun, ako naman ay sobrang gulat sa nalaman ko. Hindi ko kasi to ini-expect. Oh my God!
"I'm pregnant?" paninigurado ko sa kanya tumango naman siya habang nakangiti.
"yeah, muntik na nga siyang mawala, buti na lang daw at malakas ang kapit niya sabi ng Doctor"
Para naman akong maiiyak sa sobrang saya, kaya napayakap ako kay Clarence.
"This baby will be the greatest gift I will ever receive Mak" hindi mapigil ang luha ko sa saya sa nalaman. Magkaka anak na kami ni Clarence.
"Me too. Sa wakas magiging isang buong pamilya narin tayo" halata na masaya din siya katulad ko. Matagal na naming pangarap ang magkaroon ng isang sariling pamilya.
"Pero Mak. Paano na ang mama mo? I'm sure mahahanap niya tayo"
Bigla namang napalitan ng galit ang mukha niya nang banggitin ko ang mama niya.
"Don't worry. Gagawa ako ng paraan, pero sa ngayon kailangan muna nating maging dependent kina Ryder at Darryl"
Tumango ako sa kanya. I know, we need his friends. After a while ay pumasok sina Darryl at Ryder.
"Bro, okay na ang bills, kailangan na nating umalis dito as soon as possible" ani Darryl.
"Sige, hintayin niyo na lang kami sa labas"
*****
CLARENCE POV
Pagkalabas namin sa hospital ay dumiretso kami sa isang Private Resort nina Ryder. Ilang beses narin akong nakapunta dito.
Pagdating doon ay agad ko nang pinagpahinga si Aila sa isang kwarto. Until now ay hindi ko parin ako halos makapaniwala na sa wakas ay magiging Daddy narin ako, magkaka-anak na kami ni Aila. And no one can buy the happiness that I'm feeling right now.
I'm so thankful for god kasi walang masamang nangyari sa mag-ina ko kahapon, dahil baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kung sakali man na nangyari yun.
Nang ma-assure ko na tulog na si Aila ay lumabas na ko at pinuntahan sina Ryder at Darryl na nasa kusina.
"Dudes, salamat nga pala sa pagtulong sa amin ni Aila"
"That's nothing bro," ngiti ni Ryder.
"Oo nga, bestfriend tayong tatlo kaya sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo rin diba?" Darryl said.
"Kahit na, salamat parin"
"Basta, dapat best man kami sa kasal niyo ni Aila"
"At ninong sa first baby niyo"
"Tss. Oo na" kahit hindi nila sabihin ay yun talaga ang balak ko noong umpisa pa lang.
"Pero bro, paano na ang parents mo? I'm sure na anytime ay malalaman nila na nandito ka" alalang tanong ni Ryder.
"Bahala na. Basta ako, this time ay ipaglalaban ko na si Aila, kahit ano pang mangyari, lalo na ngayon na magkaka-anak na kami. I won't leave her, never!"
Ngayon ko lang susuwayin ang gusto ng parents ko, at kahit na itakwil nila ako ay wala na akong pake. Si Aila lang ang importante sa akin ngayon at ang magiging anak namin.
As long na nasa tabi ko si Aila ay lalaban ako.
— Hazlyn Styles —
![](https://img.wattpad.com/cover/74115063-288-k242241.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...