KABANATA 16

783 24 4
                                    

AILA'S POV

"Awww. Sige pa Aila, diinan mo pa"

Hay... Kawawa naman si Clarence. Masakit daw kasi ang katawan niya, kaya heto ako ngayon at minamasahe ko siya. Siya naman ay nakadapa lang sa papag.

"Clarence..."

"Hmm?"

"Sure ka ba na kaya mo ang trabaho dito?" Alala kong tanong. Pagkatanong ko nun ay humarap siya sa akin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Aila, kaya ko 'to. Siguro naninibago lang ang katawan ko sa ganitong trabaho, just trust me on this, okay?"

I nod. I always trust him.

"Ayoko lang kasi na nahihirapan ka"

He just smiled, and he put his hands in my cheeks.

"I know, ako rin naman eh" ngiti niya.

"I love you Mak"

"Mas mahal kita, kaya wag ka ng mag-alala. Kaya ko 'to. Kaya natin 'to"

Ngumiti lang ako, then I give him a quick kiss on lips, tsaka na ako tumayo.

"tara labas na tayo, tutulungan ko pang magluto si lola" wika ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sige"

Nang makalabas na kami ng kwarto ay agad na kong pumunta sa kusina at tinulungan ko si lola Ana sa niluluto niya. Si Clarence naman ay nasa salas at nakikipag kwentuhan kay lolo.

Pagkatapos naming maka pag luto ay agad na din kaming kumain, kahit halos gulay lang ang madalas na ulam ay ayos lang, masustansya naman, tsaka masarap magluto si lolo Ana.

After naming maka kain ay ako na ang naghugas ng pinag kainan, ayaw nga akong payagan ni lola kaso ay nagpumilit ako. Nakakahiya na kasi sa kanya.

Habang busy ako sa paghuhugas ngg mga plato ay bigla ko na lang narandaman na yumakap sakin si Clarence mula sa likod ko.

"Uy. Ano ba. Nakakahiya kina lola, baka makita nila tayo"

"Hindi yan, nasa kwarto na sila pareho eh"

Mas hinigpitan nya ang yakap niya sakin, at ipinatong niya pa ang baba niya sa balikat ko.

"Eh, dun ka muna. Naglilinis pa 'ko"

Imbis na umalis ay hinalikan lang niya ko sa cheeks, bwisit na lalaki to, pinapakilig ako masyado!

"Clarence, ano ba. Nakikiliti ako"

"Hintayin na kitang matapos"

Hay... Ang kulit.

After kong malinis lahat ay kaagad na kaming pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit pantulog.

Pagkahiga ay agad nagsumiksik sa akin si Clarence. He's now kissing me passionately and I gladly respond. Lagi na lang akong sumusuko sa bawat halik niyang nakakapanghina.

Kinabukasan ay maaga ulit umalis si Clarence kasama si lolo. Iluluwas kasi nila yung mga tanim na gulay nina lolo.

Ako naman ay tinulungan si lola Ana sa mga gawaing bahay. At nang maghahapon na ay noon lang dumating sina Clarence, He looks tired but still so handsome. Kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Mak"

Pagkalapit ko ay niyakap niya ako.

"I'm tired, pa charge muna ah," Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin. Halata naman kasing pagod siya.

Naaawa na nga ako sa kanya minsan. Alam ko naman kasi na hindi ganitong trabaho ang ginusto niya. Alam ko na gusto niyang maging kagaya ng papa niya, he wanted to be a businessman too, he badly wants to manage their company.

Matalino si Clarence and I know that he will be a good businessman someday if ever. Pero dahil sa mga nangyayari, mukhang nagiging malabo nang mangyari yun.

"Hey, what you are thinking about?" Napansin niya ata ang pagkatahimik ko bigla.

"Ha? Wala naman"

"Tss... I know you too well Aila, pero ako na ang nagsasabi sayo, you are more important than my dreams, so stop thinking about whatever is that"

Napanguso al. He knows me. Kaya ang hirap magsinungaling sa kanya. Masyado na niya akong kabisado.

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon