KABANATA 28

910 22 4
                                    

CLARENCE POV

Parang bigla akong nakarandam ng inis nang makita ko si Ace na nandito sa loob ng bahay namin. Bakit nandito 'to?

"Anong ginagawa niyan dito?"- inis na tanong ko kay Krisia.

Tinignan ko si Ace mula ulo hanggang paa. Ano ba ang trip ng gagong to? Balot na balot ang katawan, pati ang mukha halos hindi na makita. Feeling ata niya nasa Baguio siya.

"He's here to help you" tinignan ko si Krisia, and she's smiling at me wickedly.

"Anong gusto mong mangyari?"- kunot noong tanong ko.

"Basta sumunod ka lang sa sasabihin ko kung gusto mong maka-alis dito"

Hinila niya ko papasok sa kwarto ko habang si Ace naman ay nakasunod lang.

"Krisia, ano bang iniisip mo ha?"

"Basta"

Pagkapasok namin sa kwarto ko ay ni-lock niya pa ang pinto.

"Ngayon maghubad na kayo ni Ace"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong...

"Anong kalokohan 'to!" Saad ko at lumayo sa kanilang magpinsan.

"Sumunod ka na lang gago, bago pa dumating ang parents mo" ani Ace na nakasimangot din.

"Anong-- hoy! Bakla ka ba ha?"- nandidiring tanong ko sa kanya.

"Haha. Sa palagay mo magkakagusto ba ako kay Aila kung bakla ako?" Nanunundyo niyang tanong sa akin na nagpa init sa ulo ko.

"Aba't..." Susugurin ko na sana siya pero hinawakan ni Krisia ang braso ko.

"Clarence ano ka ba? Sumunod ka na lang kasi, don't worry kay Aila lang yang katawan mo"

Ugh! Ano ba kasi ang gustong mangyari ng dalawang to.

***

Hindi ako halos mapakali habang suot-suot ko tong damit ni Ace. Yung feeling na parang hindi ka na makahinga? Buti na lang at naka aircon itong kwarto ko.

"Tsk, bakit kasi kailangan pa naming magpalit ng damit ha?"- inis na tanong ko.

"Para makalabas ka dito. Pinagpalit ko kayo ng damit para hindi ka makilala ng mga bodyguards sa baba"

Lumapit sakin si Krisia at isinuot sakin ang Bonet at shades.

"Eh bakit hindi mo agad sinabi sakin ang plano mo?"

"Wala lang." Ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"Tss... Tama na yang daldal niyo. Umalis kana Clarence, may lakad pa ako mamaya eh" ani Ace na nakasimangot.

Tumango na lang ako, binuksan ko na ang pinto para makalabas. Pero lumingon muna ako kina Krisia at Ace.

"Nga pala. Kapag ikinasal kami ni Aila, asahan niyong invited kayong dalawa" nakangisi kong sabi sa kanila na sinagot lang nila ng mura.

Habang naglalakad ako pababa ay medyo nakayuko ako. Mahirap na baka mahuli. Nung nasa labas na ko ng bahay ay nakita ko ang nakaparadang motor ni Ace, lumapit ako dito at kinuha sa bulsa ang susi ng motor. May silbi rin pala ang Ace na yun eh.

Pero bago ako umalis ay tinawagan ko muna si Darryl.

"Hello..."

"Si Clarence to, text mo sakin ang address ni Aila, pupuntahan ko siya"

Pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang tawag, at inumpisahan ko nang paandarin ang motor.

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ng papa ni Aila. Hindi ko inaasahan na ganito pala kayaman ang papa niya.

Bumaba ako sa motor at nag doorbell. After a while ay may lumabas na isang maid mula sa gate.

"Ano pong kailangan nila?"

"Nandiyan ba si Aila?"- Tanong ko, pero hindi pa siya nakaka sagot ay may lalaking lumabas din sa gate.

"Manang sino po yan?" Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino siya, siya yung lalaking kasama ni Aila nung isang araw.

"Anong kailangan mo?" galit na tanong niya sa akin nang makita niya ko. Hindi ko siya kilala, pero mukhang kilala niya ako.

"Nasaan si Aila?" Tinignan niya lang ako ng masama.

"Wala siya dito"

"wag mo nga siyang itago sa akin, alam kong nandiyan siya." Galit kong wika. Sino ba siya?

"Ano pa bang kailangan mo sa kanya ha? Kung sasaktan mo lang siya at papaiyakin ulit, pwes ngayon palang tumigil kana dahil ako ang makakalaban mo"

Napakuyom nang mahigpit ang kamao ko sa sinabi niya. Tangina!

"Hindi ko sasaktan si Aila, kasi mahal ko siya!"

Lumapit siya sa akin at bigla akong kinwelyuhan.

"Mahal mo siya? Eh, anong kwenta ng pagmamahal na yan kung lagi mo na lang sinasaktan ang kapatid ko ha!?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay sinuntok niya ko ng malakas sa mukha, at dahil hindi ko inaasahan yun ay natumba ako sa lapag. Lumapit siya sakin at kinwelyuhan ako ulit, at pilit na itinayo.

"Oh, ano na? Pumalag ka! Lumaban ka!"

"Kapatid ka ni Aila?"- kunot noo kong tanong.

"Oo kapatid niya ko. Kaya humanda ka kasi kapatid ko ang pinaiyak mo!" At muli ay sinuntok niya ulit ako, sobrang lakas ng suntok niya kaya napa-upo ulit ako. Damn. Paano pa ako makakalaban kung kuya pala ni Aila to?

***

AILA'S POV

Nagmamadali akong lumabas ng bahay ng tinawag ako ng isang maid nina Papa at sinabing may nakaka-away daw si kuya sa labas.

Pagdating ko sa labas ay agad akong lumapit kay kuya Jacob. Pero nagulat ako nang makita kong nandito si Mak, at may dugo sa gilid ng labi niya.

"Mak?" Gulat kong tawag sa kanya.

Tumingin sa akin si Clarence at tinawag ako. "Aila"

Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang tumayo. Tinignan ko si kuya Jacob ng masama.

"Kuya anong ginawa mo sa kanya?"

"I'm just teaching him a lesson"

"Kuya naman eh"- naiinis kong sabi. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ni Clarence.

"Mak, are you okay?"- tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako bigla.

"Okay na, kasi nakita na kita" nakarandam ako ng saya sa sinabi niya. Niyakap ko rin siya. Na miss ko ang lalaking 'to.

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon