ACE POV
Halos paliparin ko na ng kotseng gamit ko para lang agad mapuntahan ang bar na madalas tambayan ng mga kaibigan ng gagong Clarence na yun.
Kagagaling ko lang sa bahay ng pinsan kong si Krisia at sinabi niya sa akin ang tungkol kina Clarence at Aila. Naiinis ako kay Krisia dahil ngayon niya lang sinabi sa akin ang tungkol dun, samantalang ang tagal na pala niyang alam.
Ang tagal ko ng hinahanap si Aila dahil bigla na lang siyang nawala. Pagkatapos ay malalaman ko na may chance pa lang sumama siya kay Clarence. Tang ina!
Nakaka-asar lang. All this time ay ako na lang pala ang walang kaalam-alam tungkol doon. Nanggigigil ako sa inis. I like Aila a lot. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na agad sa sarili ko na siya ang kauna-unahang babaeng seseryosohin ko. I courted her because I'm starting to fall for her, and knowing na sumama siya kay Clarence ay para na rin akong sinampal.
I feel so hurt, I feel so broken-hearted. Maybe heto na ang karma ko sa lahat ng mga babaeng pinaiyak ko, sa lahat ng babaeng pinagsabay-sabay ko.
Pagdating ko sa bar ay agad kong hinanap ang dalawang kaibigan ni Clarence. At ayun, nakita ko ang isa na nasa dance floor at nakikipag sayawan sa isang babae, kung hindi ako nagkakamali ay Ryder ang pangalan niya. Agad ko siyang nilapitan at kinwelyuhan.
"Nasaan si Clarence!" Kaagad kong tanong. Nakakunot ang noo siya habang nakatingin sa kin.
"Ano bang problema mo ha? Hindi ko alam kung nasan si Clarence,"
"At sa palagay mo ay maniniwala ako sayo? Sabihin mo sa akin kung nasaan ang magaling mong kaibigan, at kung saan niya dinala si Aila!" Galit kong sigaw dito. Pinagtitinginan na kami dito.
"Ano ba, hindi ko alam kung nasaan sina Clarence at Aila, at pwede ba bitawan mo ko" Hindi ko parin siya binibitawan, pero bigla akong napaatras ng may tumulak sa akin. Pagtingin ko ay si Darryl.
"Hoy, anong problema mo ha?"- maangas na tanong niya sa akin at tinitigan ako ng masama.
"Hinahanap niya sina Clarence at Aila" ani Ryder.
Tumingin si Darryl kay Ryder, tapos ay sa akin.
"Kahit kaibigan kami ni Clarence ay hindi namin alam kung nasaan sila, wala kang mapapala sa amin ni Ryder, kaya wag ka nang gumawa ng gulo"
***
DARRYL'S POV
Pagka-alis ni Ace dito sa bar ay sabay kaming umupo ni Ryder sa isang malapit na table.
"Ang gago din pala ng Ace na yun ah" saad ko pagkaupo namin.
"Sinabi mo pa, mukhang tinamaan din kay Aila ang gago" ani Ryder habang naiiling.
"Eh ano bang laban niya kay Clarence? Alam naman natin na sa simula't sapul ay sila naman talaga diba? Epal lang talaga ang parents ni Clarence"
"Tama, pero bro sa palagay mo, saan pwedeng pumunta ang dalawang yun?" Tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako dahil wala din akong idea. "I dont have any idea. Pinuntahan na nga natin ang lahat ng lugar na pwede nilang puntahan, pero wala sila diba?"
"Yeah, pero balita ko ay nag hire na naman ng bagong private investigator ang parents ni Clarence," Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga. Since the day na nawala sina Clarence at Aila ay wala atang araw na hindi sila pinapahanap nina Tito Cleo at Tita Andrea (Parents ni Clarence)
And I know, any time now ay siguradong mahahanap na sila, dahil ginagamit na nila lahat ng connections meron ang pamilya Brickson para matunton ang kinaroroonan nilang dalawa.
"Whatever happens, I still hope that everything will be okay. They already suffer a lot, they are both hurt, they are both trying to fight for each other. Kaya sana this time ay hayaan na lang sila ng tadhana na maging masaya" wika ko. Kaibigan ko si Clarence at Aila, at gusto kong maging masaya na sila.
"You're right bro, they are crazily in love with each other. Kaso ang daming umi-epal sa love story nilang dalawa, kaya tuloy minsan gusto ko ng maniwala sa kasabihan ngayon ng mga bitter, na 'Walang Forever'"
"Haha, Gago! Wala talagang forever, pero Infinity meron!" Natatawa kong wika. Para tuloy kaming mga bitter dito.
— Hazlyn Styles —
![](https://img.wattpad.com/cover/74115063-288-k242241.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomantizmAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...