CLARENCE
"Pare, tama na yan, lasing ka na" ani Darryl sa akin at kinuha ang baso ng alak na nasa kamay ko.
Paglabas ko ng school ay dito sa bar agad ang diretso ko at sumama sa akin ang dalawang ito. Alam kasi ng mga ito na magpapakalunod na naman ako sa alak.
"Huwag kayong kj. Hindi pa naman ako lasing" reklamo ko sa kanilang dalawa.
"Pero ang dami mo nang nainom. Tama na bro" ani Darryl.
Simula nang maghiwalay kami ni Aila ay lagi na lang akong umiinom. Gusto kong kahit paano ay makalimot ako sa problema. I want to forget every single thing.
Sigurado kasi ako na hindi na naman ako makakatulog sa kakaisip kay Aila kapag hindi ako uminom at isa pa ay gusto kong makalimot sa sakit kahit saglit lang. At ang alak lang ang pwede makagawa nun. Kaya sa ganitong pagkakataon ay gusto kong sumaludo kung sino man ang naka imbento ng alak, dahil ang galing niya, binigyan niya ng makakapitan ang mga katulad kong nasasaktan dahil sa pag-ibig.
Lumipas ang ilang oras nang marandaman kong may tama na talaga ako. Doon ko pa lang naisipan na umuwi. Pinipilit akong ihatid ng mga kaibigan ko pero tumanggi ako, masyado ko na kasi silang naabala.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Krisia sa sala. Kaagad itong tumayo ng makita ako, "Clarence, ba't ngayon ka lang?" May bahid ng pag-aalala sa mukha nito.
"Uminom lang ng konti, bakit gising ka pa?" Tanong ko kay Krisia kahit na umiikot na ang paningin ko dahil sa tama ng alak.
"Ah kasi, hinihintay kita" tugon ni Krisia.
"Krisia, hindi mo kailangang gawin yan, hindi mo naman ako obligasyon" tamad kong wika at naglakad ako pataas.
"Pero fiance kita" sambit ni Krisia na nagpatigil sa akin. Napatingin ako sa mukha niya, tama. Fiancee ko siya. Kahit sobrang bait niya ay hindi ko maiwasang mainis sa babaeng ito, lalo na kapag ganito na isinasaksak niya sa utak ko na Fiancee ko siya. Alam ko naman eh, hindi na nito kailangan na ipagduldulan sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot, naglakad na lang ako papasok sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay muli na naman akong nakarandam ng lungkot. Ang dami naming magagandang memories ni Aila dito sa kwartong ito.
Si Aila pa lang ang nag-iisang pinapasok ko dito. Dito kami madalas mag-aral kapag malapit na ang mga exams namin, ilang beses na din siyang nag overnight dito, may mga time na nag kukulitan at naglalambingan lang kami pag nandito siya, dito din unang beses na may nangyari sa amin.
Ang buong kwarto ko, puno ng ala-ala naming dalawa nung masaya pa kaming magkasama. Puno din ito ng mga pictures naming dalawa. Akala ng iba malakas ako, hindi nila alam katulad ko rin si, Superman, na may kahinaan din at si Aila yung weakness ko.
Kapag mag-isa na lang ako ay doon ko ibinubuhos lahat ng sakit na nararandaman ko. Umupo ako sa kama ko at itinago ko ang mukha ko sa mga palad ko at doon ako umiyak. I know that it looks so gay pero masisisi nyo ba ako? I am broken, nasasaktan ako at nangungulila ako sa babaeng mahal ko.
**
KRISIA
Simula ng dumating ako dito sa Pilipinas ay lagi na lang late umuwi si Clarence. Lagi na lang itong naka inom. And I don't have any idea why. Ayaw ba nito sa akin? Ayaw ba nito akong nakikita?
Matagal ko ng kilala si Clarence, bata pa lang ako ng nakilala ko siya sa isang party sa US at aaminin ko na noong una ko siyang makita ay gusto ko na siya. Kaya nga ng sinabi sa akin ng parents ko na ikakasal ako kay Clarence Brickson ay hindi na ako tumanggi pa.
Pero parang sobrang layo na nang nakilala kong Clarence noon, sa Clarence ngayon. Yung Clarence na nakilala ko ay friendly at pala ngiti. Pero ngayon halos hindi naman niya ako pinapansin, halos hindi niya nga ako matitigan sa mata. Hindi ko rin siya nakikitang ngumiti, kung ngumiti man ito ay pilit lang.
I want to know the reason behind it. May problema ba si Clarence? O sadyang ayaw niya lang talaga sa akin?
Kinuha ko ang phone ko nang marinig ko itong nag ring may text galing sa pinsan ko na si Ace. Nandito na rin daw siya sa Pilipinas at sa school na pinapasukan ko din siya papasok.
Hay... Siguradong madami na namang babae ang mapapaiyak nito dito. Ace is a casanova. At kung may hiling man ako para sa pinsan ko, sana ay mahanap na niya ang babaeng magiging karma niya.
- Hazlyn Styles -
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...