AILA'S POV
"Oh Aila, anong nangyari sa 'yo? Ba't parang bad trip ka riyan?" Tinignan ko lang si Amy, nakatingin silang tatlo sa akin ngayon.
Sino ba naman ang hindi maba bad trip? Dalawang araw na akong hindi tinatawagan o kaya ay tinetext ni Clarence. And I have no idea why. Nag-aalala ako.
"Wala. Huwag niyo na lang akong intindihin, dahil sa PMS lang to" wika ko na lang.
After ng-class namin ay hindi muna ako umuwi. Pumunta muna ako sa gym, baka sakaling nandun kasi si Clarence.
Pero pagdating ko ay wala din siya. Si Ryder lang ang nandito kasama ang iba pang mga varsity players ng school.
"Aila, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ryder ng makita ako.
"Ahm... Ano kasi..." Sasabihin ko ba?
"Hinahanap mo si Clarence?" Mukhang alam agad ni Ryder ang sadya ko kaya tumango ako.
"Ha? ahm... Yes, alam mo ba kung nasaan siya?"
"Sinundo niya si Krisia kanina eh, ngayon ata sila susukatan para sa isusuot nila sa kasal nila"- Sa sinabing yun ni Ryder ay para akong biglang nanghina, para akong biglang nagising sa katotohanan. Katotohanan na kahit kailan, hindi kami para sa isa't-isa ni Clarence. At ilang araw na lang, ikakasal na siya sa iba.
"Aila, are you okay?" Tanong niya pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin, para kasing ang insensitive niya. Hindi ba niya iniisip na nasasaktan ako sa sinabi niya?
"Aila, I didn't mean to hurt you. Kaibigan narin kita since the day na naging kayo ni Clarence. And one of these days ay ikakasal na si Clarence. I know masakit... pero I think kailangan mo nang mag move-on. That is the best thing you can do now."
"Pero Ryder. I love Clarence" naiiyak na sabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Clarence.
"I know mahal ka rin naman niya eh, pero anong magagawa mo? Anong magagawa niya? Wala diba? So I think it will be better for the both of you if you will just accept the truth that you two are not meant for each other" This time ay hindi ko na napigilan yung luha ko. Masakit, sobrang sakit na marinig ang bagay na yun dahil alam ko na totoo yun.
"Ryder, tell me how can I move on, kasi parang hindi ko kaya. Ayokong mawala si Clarence sa buhay ko. I love him so much, alam mo yan!"
Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko, pero patuloy parin na tumutulo ang taksil kong luha. Damn these tears, para bang hindi na nauubos.
"Find someone better Aila, that's one of the thing that can help you. Ibigay mo sa iba ang atensiyon mo, wag puro kay Clarence"
"But..."
"No buts, kaibigan ko si Clarence, and I know baka isumpa ako nun pag nalaman niya na sinasabi ko sa'yo to, pero kaibigan din kita kaya ko to sinasabi sayo, try to find someone. Someone better, and someone na maipaglalaban ka"
After ng pag-uusap namin ni Ryder ay nagmamadaling umuwi na ako.
Nagkulong lang ako sa kwarto ko, ni hindi nga ako nakakain nung kinagabihan na, Iniisip ko parin yung sinabi sakin ni Ryder.
May point naman kasi ang lahat ng sinabi niya eh. Tama siya, patuloy lang akong masasaktan kung patuloy akong aasa na magiging kami parin ni Clarence sa huli.
Pero hindi ko kasi alam kung kaya ko, kung kaya ko bang kalimutan ang pagmamahal na meron ako kay Clarence, para kasing ang hirap gawin.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko, pagtingin ko ay si Ace lang pala.
"H-Hello?"
"Hello, Aila. Si Ace to, teka umiiyak ka na naman ba?"
"Wala to. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ahm... Yayayain sana kitang lumabas bukas. Saturday naman bukas eh, pero okay lang naman kung ayaw mo"
Ace confessed his feelings to me yesterday, and he wants to court me. Ayokong maging unfair kay Ace, ayokong maging panakip butas siya, kasi honestly sobrang bait niya. Pero sa mga oras na 'to, I think siya ang taong kailangan ko para makalimutan ko si Clarence.
"Ahm, okay, just text me kung saan"
"Talaga? Pumapayag ka?"-
Halata sa boses niya na mukhang masaya siya na pumayag ako sa alok niya.
"Yeah, bakit ayaw mo?" Tanong ko na natatawa.
"No, of course, gusto ko, gustong gusto, ganito na lang susunduin na lang kita bukas sa inyo"
"Okay"
After that call ay napatingin ako sa wallpaper ng phone ko. Me and Clarence, laughing together, we're both look so happy and contented. Pero ngayon? Pareho kaming nasasaktan. Mahirap pakawalan ang isang tao na naging bahagi ng buhay mo. Pero mas mahirap pakawalan, ang taong mahal na mahal mo.
— Hazlyn Styles —
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...