KABANATA 17

784 23 3
                                    

CLARENCE POV

It's been two months...

Two months since I and Aila run away from our family. And I can say na masaya ako, masaya kami pareho dahil magkasama kami.

Kahit na may mga times na namimiss namin yung mga mahahalagang tao na naiwan namin sa Manila. Lalo na si Aila, she was thinking about her ninang Josie.

Kagagaling lang namin ni lolo Tiago sa bayan, kasi iniluwas namin yung mga gulay. Pagdating sa bahay ay agad kong hinanap si Aila.

"Lola, nasaan po si Aila?"

"Nasa kwarto pa, tulog pa ata" lola Ana said.

Tulog? Tanghali na tapos tulog pa? Parang first time to ah.

Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko siyang nakahilata pa, at mukha ngang natutulog.

Kaya lumapit ako at hinawakan siya sa noo, wala naman siyang sakit.

"Aila" Tinatapik ko ng mahina ang pisngi niya para magising.

"Hmm?" she asked lazily.

"Tanghali na, bumangon ka na riyan" wika ko sa kanya.

Imbis na bumangon ay tinakpan lang niya ng kumot ang mukha niya.

"Ayoko, inaantok pa ako eh"

"But it's already noon! For heaven's sake Aila!" I hissed.

Tsk. Medyo nakakainis lang, nasanay kasi ako na agad niya akong sasalubungin ng yakap or something na nakaka alis ng pagod ko pag galing ako sa trabaho eh, at hindi ganito na tanghaling tapat na ay nakahilata pa siya.

Inalis niya ang kumot sa mukha niya, umupo siya at humarap sakin with teary eyes. Napanganga ako.

"Are you now mad at me?" she asked.

"I'm not mad at you"

I can see that any moment ay iiyak na siya. Kaya lumapit ako sa kanya at yinakap siya, Then I heard her sobs.

"Hey, hindi ako galit, wag ka ng umiyak" taranta kong wika at tinapik siya sa likod. Shit. Bakit kasi ang OA mo Clarence.

"No! I know that you're mad" iyak niya.

I touch her both cheeks, and I manage to see her face.

"Look, I'm not mad okay? Alam mo naman na hindi ko kayang magalit sayo diba?" I said to her while wiping her tears.

"Do you still love me?" She asked while looking at my eyes. Anong klaseng tanong yun.

"Why are you asking me that? Of Course, I love you! Hindi naman magbabago yun eh"

She just looking at me intently, then to my surprise, she pinches my cheeks, and fuck! It hurts!

"Aila, ouch!"

Ayaw niyang bitiwan ang pisngi ko kaya hinawakan ko ang mga kamay niya, siya naman ay parang batang nakakita ng bagong laruan habang nakatingin sa mukha ko.

"Ang cute mo Mak"

Seriously? Ako Cute? Tss... Gwapo ako at hindi cute!

"Aila, may sakit ka ba?" I asked her. Kailangan kong manigurado. Iba ang ikinikilos niya ngayong araw.

Hindi niya ko sinagot, hinila lang niya ang kamay niya at yinakap ako, tapos ay parang inaamoy amoy niya pa ako. May problema ba kami? May nagawa ba akong mali kay Aila? Bakit ganito siya?

"Hey, amoy pawis ako, wag mo akong amuyin"

Inaalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. Pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"Hindi ka naman amoy pawis eh, ang bango mo nga" she said while smelling me.

"Ang weird mo Mak" saad ko at pinabayaan na lang siya sa ginagawa niya. Baka umiyak na naman.

Sumimangot lang siya, pero talagang ayaw niya akong bitawan. Kaya ng lumabas kami ng kwarto ay napatingin samin sina lola. Kasi naman nakahawak si Aila sa laylayan ng damit ko at inaamoy amoy ako, at talagang ayaw niya akong bitawan.

Napasinghap na lang ako. Yung totoo, anong problema ni Aila?

Nasa hapag kainan na kami at nakakandong siya sa akin, hindi naman sa ayaw ko na nakakandong siya, eh kasi naman nasa harapan namin sina lolo at lola, tapos nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Para siyang bata ngayon. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ako ang nahihiya kina lolo at lola na nakangisi sa amin ngayon.

"Aila, bitaw ka muna, kakain na" I said to her.

Doon lang siya umalis sa kandungan ko at umupo sa tabi kong upuan. Pero hindi naman niya ginagalaw ang pagkain niya. Tinitignan niya lang at ginagalaw galaw gamit ang kutsara.

"Aila, kainin mo na yan" mahina kong sabi sa kanya.

Nag pout lang siya at tumingin sa akin.

"I want ice cream" aniya.

I frowned.

"Aila, walang ice cream dito"

She just keeps on pouting, damn! Ano ba ang problema niya?

"Eh sa gusto ko ng ice cream eh"

Napa face palm na lang ako sa inaakto niya ngayon. Saan ako kukuha ng Ice cream sa lugar na 'to na wala namang kuryente?

"Kung gusto mo apo, ibibili ka na lang namin ni Tiago ng ice cream sa bayan mamaya, may importante din kasi kaming bibilihin eh" ani lola Ana.

Biglang nagliwanag ang itsura ni Aila pagkarinig niya sa sinabi ni lola ana.

"Talaga po la?"

Tumango lang si lola habang nakangiti.

"Lola wag na po, matagal ang biyahe sa bayan, kaya siguradong tunaw na ang ice cream bago pa makarating dito sa bahay" sabi ko naman kay lola Ana.

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Aila pagkasabi ko nun. Nak ng!

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon