Wakas

1.3K 39 3
                                    

After 3 months

"Goodbye Ma" naluluhang sabi ni Clarence habang hinuhulog ang puting rosas sa kabaong ng kanyang namayapang ina.

Kahit malungkot ay masaya parin siya dahil alam niyang masayang itong nawala sa mundo.

Two months lang ang ibinigay na taning ng Doctor pero himalang umabot pa ng tatlong buwan ang buhay nito.

At sa tatlong buwan na iyon ay kita ni Clarence ang pagbabago nito, naging mabait ito kay Aila pati sa kaniyang anak. Sa katunayan ay kay Crystal niya ibinigay ang mga ari-arian na meron ito.

Habang ang Daddy naman niya ay panay ang hingi ng tawad kay Aila. Matagal na niyang napatawad ang magulang niya, lalo na si Aila na hindi kailanman nagtanim ng hinanakit sa mga ito.

And as of now... Everything is fine.

No more Family Problem.

No more pain.

"Aila, thank you," Clarence said to his wife.

"Thank you for what?"

"For forgiving my Mom" wika ni Clarence.

"I'm also a mother now, and I know that she loves you. And I also feel that she sorry for what she did Clarence "

Pagkatapos mailibing ng kanyang ina ay lumipad papuntang Hong Kong ang Daddy ni Clarence upang doon muna magbakasyon at para narin mabawasan kahit paano ang pagdadalamhati nito dahil sa pagkawala ng asawa.

Next month na ang the first birthday ng kanilang Prinsesa kaya kahit paano ay naging abala rin sila at hindi masyadong naisip ang nangyari.

Sa ngayon ay maayos na ang mga bagay bagay.

Pero alam naman natin na may mga pagsubok pang darating sa buhay nila.
At ang kailangan lang nilang gawin ay ang maging matatag at magtiwala sa isat-isa.

Dahil sa buhay ay hindi pwedeng mawalan ng problema. Pero tiwala lang dahil wala namang bibibigay na problema ang diyos na hindi natin kayang lampasan.

Aila and Clarence are the exact example na lahat ng problema ay pwede nating solusyunan.

We are humans, at may panginoon tayo na laging nandiyan. Magdasal lang lagi at siguradong lagi lang siyang nandiyan upang makinig sa lahat ng mga panalangin natin.

Kaya kapit lang lagi.

Maikli lang ang buhay, huwag nating sayangin ang buhay natin sa hinanakit at pagkasuklam.

We should treat people with kindness and love.

**THE END**


— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon