AILA'S POV
"Aila, kailangan muna naming umalis, pero don't worry babalik rin naman kami bukas" tumango ako sa sinabi ni ninang.
"Sige po"
Niyakap ako ni ninang bago siya sumakay sa kotse ni papa. Si papa naman ay nakangiting lumapit sa akin at niyakap din ako. Habang nakikita ko si papa ay mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig naming dalawa, lalo na sa mata.
"Be careful, okay?" Ani papa. Ngumiti ako at tumango. Hinalikan niya ako sa noo at tinapik niya pa sa balikat si Clarence bago sumakay sa kotse niya. Nang maka-alis na sila ay inakbayan ako ni Clarence.
"Happy?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya habang nakangiti.
"Sobra"
***
"Aila, kain na tayo"
Agad kong itinabi ang hawak kong libro nang marinig ko si Clarence, pagkatapos ay bumaba na ako. Pero nagulat ako nang makita kong nasa sahig siya habang hawak ang ibabang labi niya.
"Mak!"
Linapitan ko siya, at doon ko lang nakita na nandito pala ang parents niya na may kasamang apat na bodyguards. Kumalabog ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila.
"Clarence sumama ka sa amin kung ayaw mong madagdagan yang pasa mo" galit sa sabi ng papa ni Clarence.
"Pa, pwede ba lubayan niyo na kami, hindi ako sasama sa inyo. Hindi ko iiwan si Aila!" pasigaw na sabi ni Clarence sa magulang niya.
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako. Heto ang unang pagkakataon na nakaharap ko ang magulang niya, at sa ganitong pagkakataon pa.
"M-Mak"
Hinawakan ng mahigpit ni Clarence ang kamay ko.
"Pa, Ma. Please naman pabayaan niyo na kami. Buntis si Aila at magkaka-anak na kami. Wag niyo namang sirain ang buhay ng magiging anak namin" May pag mamaka-awa na sa boses niya. Nakita kong nagkatinginan ang mama at papa niya. Lumapit sa akin ang mama niya at bigla akong hinila kaya napabitiw sa akin si Clarence.
"Ma, ano ba! Huwag niyo saktan si Aila!"
"Tumigil ka Clarence! Huwag niyo kaming lokohin na magkaka-anak na kayo ng babaeng ito. Sasama ka sa min ng papa mo sa ayaw at gusto mo!"- galit na sigaw ng mama niya.
Nilapitan si Clarence at pilit na hinawakan ng tatlong kasama nilang bodyguard. Naiyak na ako ng tuluyan habang nakikita ko ang pagpupumiglas niya.
"Bitiwan niyo 'ko! Ano ba!" Pilit na pumapalag si Clarence pero wala siyang magawa dahil masyadong malakas ang mga nakahawak sa kanya. Ako naman ay umiyak lang, wala akong magawa, at naiinis ako kasi wala man lang akong magawa.
"Clarence!" Tawag ko sa pangalan niya.
Tinignan ako ng masama ng mama niya at nagulat ako ng bigla niya akong sinampal.
"Sana ay sapat na yan para magising ka sa katotohanan na hindi para sayo ang anak ko. Wag kang ambisyosa!" Sigaw nito.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Pinilit kong sumunod pero hinarangan ako ng isang bodyguard.
"Miss, huwag ka na lang sumunod, masasaktan ka lang sa ginagawa mo" babala ng bodyguard sa akin.
Napatigil naman ako sa pagsunod. Naisip ko ang baby namin ni Clarence. Ayokong mapahamak ulit siya. Kailangan kong mag-ingat.
Nakita kong pilit na isinakay si Clarence sa kotse. Sumakay narin doon ang bodyguard na humarang sa akin at umalis na sila.
Naiwan ako dito mag-isa, nakaka-inis! Akala ko magiging okay na ang lahat, pero hindi parin pala. Napaupo na lang ako at umiyak.

BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomansaAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...