KABANATA 26

801 21 1
                                    

AILA'S POV

One week passed... Halos manlumo ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ko ang balita sa Tv.

Nandun si Clarence, kasama ang parents niya, pati si Krisia at ang Parents din nito, at ini-announce na itutuloy ang naudlot na kasalan ni Clarence at Krisia.

"Aila?"- untag ni tita Jane sa akin.

Agad kong pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko nang makita kong palapit sakin si tita Jane. Si Tita Jane nga pala ang asawa ng Papa ko.

"Hey, why are you crying?"

Tinuro ko lang sa kanya yung balita sa Tv, at agad naman niyang naintindihan. Tapos ay niyakap niya ako.

"Don't mind that. Trust me magiging okay din ang lahat"

Niyakap ko narin siya pabalik. Ang swerte ni Papa kasi may asawa siyang kagaya ni Tita Jane. kasi sobrang bait niya. Kahit na alam niyang anak ako ni Papa sa ibang babae ay hindi niya ko pinakitaan nang masama. Sobra pa nga ang tuwa niya nang dumating ako kasi daw ay wala naman silang anak na babae ni Papa. At ituturing daw niya akong anak.

"Thank you po tita"

"Wala yun"

Pinatay na ni tita ang Tv at sabay na kaming tumayo. Pagkatapos ay tinawag niya si Kuya Jacob, siya yung anak nila ni Papa.

"Jacob tara na. Kailangan na nating umalis, baka malate si Aila sa appointment niya kay Dra. Andrea" ani tita Jane.

Ngayon kasi ang first check-up ko, tapos ay may nireffer na OB si tita and sasamahan niya rin ako.

"Tsk, bakit di na lang kasi yung Driver eh" masungit sa wika nito.

"Huwag ka na ngang magreklamo. Tara na"

Nakabusangot na sumunod na lang si kuya Jacob. Ewan ko sa kanya, feeling ko parang ayaw niya sakin. Lagi kasi siyang nakasimangot kapag nakatingin sa akin. Siguro ay hindi niya ako tanggap bilang kapatid.

Habang nasa biyahe ay sinabi rin ni Tita na sasamahan niya kong mag shopping para sa gamit ng baby ko. Nang nasa clinic na kami ni Dra. Andrea ay agad niya akong tinignan.

"Healthy naman ang baby mo, pero reresetahan parin kita ng vitamins mo para mas okay siya. At kumain karin ng mga prutas at gulay, maganda yun para sa baby." Paliwanag ng Doktora.

"Okay po"

"Ahm, Nasaan pala ang daddy nang baby?" Tanong niya pa na ikinatigil ko.

"Ah, eh, ano po kasi-"

"Nasa out of town po Dra. Bakit po ba?" Si tita Jane ang sumagot.

"First baby kasi to ni Ms. Aila, so kailangan niya ang Daddy ng baby niya habang nagbubuntis siya."

"Don't worry Dra. Nandito naman kami para kay Aila"

Tumango lang si Dra. at nagbilin lang siya ng mga ibang bagay na dapat at hindi ko dapat gawin. After that ay lumabas na kami sa clinic.

Nasa malapit na kami ng kotse ng mag-ring ang phone ni Tita Jane. Mukhang si Papa ang kausap niya. Nauna na kaming pumasok ni kuya Jacob sa loob ng kotse. Ilang minuto lang ay pumasok na si Tita.

"Aila, sorry kung hindi kita masasamahan ah. May urgent meeting kasi sa company eh, pero don't worry nandiyan naman ang kuya mo eh, siya na lang ang sasama sayo"

"Ano? Ma naman! Ayoko!" Kaagad na reklamo ni kuya Jacob sa sinabi ng mama niya.

"Jacob samahan mo na siya"

"No! Ayoko!"

"Ahm, tita okay lang naman po kahit ako na lang mag-isa. Kaya ko naman po"

"Ano ka ba Aila, kailangan may kasama ka. Jacob dali na samahan mo na ang kapatid mo. Kundi isusumbong kita sa Papa mo"

Nakakunot noong tumingin sakin si kuya Jacob at suminghap.

"Hindi mo ba kayang mag-isa?"

"Jacob buntis si Aila, ano kaba!" Sita ni tita.

"Pero..."

"Wala ng pero-pero. Sasamahan mo si Aila, period!"

At the end of the conversation ay si tita parin ang nasunod.

Dahil mas mauuna naming madadaanan ang company nina papa ay hinatid na lang ni kuya si tita doon. Nang kami na lang dalawa ni Kuya Jacob sa kotse ay pareho lang kaming di umiimik. I know, hindi niya ako gusto at tanggap ko yun. Sino ba ang matutuwa kapag nalaman mong may kapatid ka pala sa labas?

Ayokong magsalita dahil baka ayaw niya rin naman akong kausap. Nang nasa mall na kami ay agad akong bumaba sa kotse. Naglakad na ako papasok, siya naman ay sumunod lang sa akin. At habang namimili ako ng gamit para sa baby ko ay masyado akong nalibang, parang bigla akong naexite na makita ang baby ko.

Pagkatapos kong bilhin lahat ng kailangan ko ay napakamot na lang ako ulo ng makita ko kung gaano karami ang binili ko, buti na lang at may binigay na credit card sa akin si papa.

"Akin na ang mga yan, bawal sa mga buntis ang mag buhat" ani kuya Jacob.

Napangiti ako sa ginawa ni kuya Jacob. At Least may pake siya sakin kahit papaano.

Habang naglalakad kami ay bigla akong nakarandam ng gutom, kaya kahit nahihiya ay inaya ko muna siyang kumain. Buti na lang ay pumayag siya kahit parang ayaw niya.

Papasok na sana kami sa isang resto nang may dalawang tao kaming nakasalubong na palabas na dun sa resto. At napatigil ako sa paglalakad ko nang makilala ko kung sino sila. Si Krisia and Clarence.

***

CLARENCE POV

Parang tumigil pansamantala ang mundo ko nang di sinasadyang makita ko si Aila. I missed her so much. Gusto ko siyang lapitan, gustong-gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ko magawa dahil mas mapapalala ko lang ang sitwasyon, dahil may mga bodyguards na nakabantay sa akin.

"Mak," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Mukhang napansin din ni Krisia si Aila, dahil tumigil din siya sa paglakad niya at mas lumapit pa siya sa akin. Si Aila naman ay nakatingin din sa akin, kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

Pero ako naman ang napa kunot noo nang may isang lalaki ang lumapit kay Aila. Mukhang tinanong niya kay Aila kung anong nangyari, si Aila naman ay nakatingin lang sa akin, kaya napatingin din sa akin yung lalaki.

Tinignan ako ng masama nung lalaki. Hinawakan niya ang kamay ni Aila ay hinila niya ito palayo. Gusto ko silang habulin, gusto kong tanungin si Aila kung sino ang lalaking yun pero hindi ko magawa. Tangina!

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon