ROMERO GROUP OF HOTELS INC.Lahat ng nakakasalubong ko ay bumabati at binibigyan ko rin naman sila ng isang matamis na ngiti.
Nagulat ang iba, at natulala ng ngitian ko sila. Kilala ako ng mga tao dito na hindi palangiti o palabati. Mataas naman ang respetong binibigay nila sa akin, siguro'y ugali ko lang talaga na hindi palapansin ng mga tao.
Mahirap kasi kapag sobrang naging mabait, iisipin ng iba na kaya nila akong manipulahin at madalas maabuso. Naalala ko tuloy si Clydine.
Ah, erase erase! Ayokong ma-BV!
Sumakay ako sa elevator at nginitian ako ni Enzo, Ivo Lorenzo Gomez Pendleton, ang head ng Marketing Department. Sinuklian ko siya ng ngiti rin.
Sumara ang pinto ng elevator at pinindot ng elevator girl ang 28th floor kung nasaan ang kwarto ko.
"Ma'am, congratulations nga po pala.." Mahina niyang sabi. Lumingon ako sa kanya.
"For what?" Tanong ko at binalik ang tingin pinto ng elevator.
"For.. for being.. featured in the newspaper, m-ma'am." Bakit parang kinakabahan siya magsalita?
Ngayon ko lang napansin, rather, pinansin, mas matangkad si Enzo sa akin and yeah, gwapo siya. Makapal ang suot niyang salamin at ang longsleeves niya naman ay tamang-tama para sa katawan niya. But heck, he looks like a nerd! Parang hindi bumagay ang itim at makapal niyang salamin. Sa pagkakaalala ko, isa siyang half Filipino at half Australian. I was the one who interviewed him before he got hired.
Sinasala ko ang mga empleyado ko bago sila makapasok rito, so it means for every final interview, ako ang makakaharap nila. I must say, his overall performance in the company is really good, so I don't have to fire him.
Nakatingin rin siya sa pinto, pero bigla siyang lumingon sa akin. Agad ako umiwas ng tingin. Baka isipin niyang I'm checking him out. But, I'm kinda doing it.
I kept my poise before going outside the elevator. "Thank you, Enzo." Ang nakayukong Enzo ay agad nag-angat ng tingin sa akin na akmang may sasabihin pa pero hindi ko na nalaman dahil sumara na ang pinto.
"Good morning, ma'am Romero. This is your schedule for today..." Tinanguan ko ang secretary ko. Tuloy lang sa pagsasalita si Jeena habang naglalakad ako patungo sa opisina ko.
"Budget Approval for maintenance at 10:00,
Meeting with Board of Directors at 2:00,
Final interviewing of applicants at 3:00,
Meeting with Department Heads at 5:00. That's all for today, ma'am." Pormal niyang nilahad sa akin.Tumango-tango ako. "If I have read the terms and conditions for the budget approval of maintenance and signed it, pagtapos noon ay vacant time ko na? At oo nga pala, saan yung sa maintenance, anong branch?"
"Ah, sorry ma'am, it's in Laiya, Batangas po."
"Ah eh saan yung huli kong pinirmahan noon? It's also in Batangas isn't it?"
"Ma'am, sa Calatagan po iyon." Tumango ulit ako.
What I love about this job is that, the resort and hotels we build is I got to see them first to check and visit, no matter how far they are, sasadyain ko talagang puntahan. From the suites, cottages, and the interior of hotels, the beaches and pools, I check them to make sure every concept I want will have a touch of my style. So far, wala pa namang feedback na hindi nagustuhan ng mga guests ang kung anong naroon. It just makes me happy, too. Siguro iyon din ang dahilan, so I just keep going.
It was actually my dream since I was a young girl to become an owner of a hotel and resort. Daddy made it happen. Now that I have it, hindi ko iyon hahayaang bumagsak lang ng basta-basta. Di ko iiwan, di tulad ng pag-iwan ni mommy sa amin.
"Alright, please.. bring me something to eat here. Basta matamis ha." Request ko at nakangiting tumango naman si Jeena sa akin at umalis ng kwarto.
Sa araw na ito, ang nakaka-stress ay yung meeting kasama ang board of directors. Ewan ko.. pero yun talaga ang ayoko. Every after 2 weeks may meeting, at syempre kasama pa doon si papa!
Lahat ng kilos ko ay susundan nila. Ang pagsasalita ko, ang pagtayo, at maging ang pag-inom ng tubig! Ghad.
Sagad na sagad ang oras talaga pag ka-meeting sila eh.
Pagtapos noon, kinausap pa ako sandali ni papa. May konting mga paalala lang naman siya at ayun, nagmadali na ako papunta sa HR Department, Recruiting Area.
Inayos ko ng kaunti ang sarili ko bago pumasok ng kwarto. Naroon ang mga aplikanteng nagpasa ng mga kumpletong requirements at nakapasa ng mga interview base sa skills.
Ngayon, dahil ako ang makakaharap nila sa final interview, attitude nila ang titingnan ko naman.
Naglalakad ako at nakita kong biglang napaayos ng upo ang iba, nag-ayos, at may nag-sign of the cross pa.
Out of 25, 15 ang tinanggap ko. Ganun talaga, mayroon at mayroon talagang hindi papasa.. sa standards ko, at ng kompanya. Since I'm in need of more men, I hired 9, and 6 women.
Tinawag ko ang lahat ng mga aplikante. Tumayo ako at prenteng nakatayo rin sila. Isa-isa ko silang kinamayan. "Congratulations for passing the final interview. You may now start tomorrow and I expect that you will do everything you can for this company. I hired you, because I have high hopes and your attitude suits well with the departments you applied for. Thank you, and have a good day!" Ngumit ako ng bahagya at umalis na ng kwarto. Bumati ang mga naroon at tinanguan ko lamang sila.
Sunod naman ay ang meeting kasama ang mga department heads. Pagdating ko ay naroon na silang lahat, pero.. wala si Mr.Pendleton. Dire-diretso lang akong umupo sa harap para panuorin ang report ng head ng Financial Department. Sunod na nito agad ay ang Marketing Department at wala pa ang head nito!
Nagkukumento ako sa financial report at analysis ni Christel, bumukas ang pinto at doon ko nakita si Enzo. Bumungad ang nagmamadali at pagod na si Enzo. Nakatayo lamang siya at nakatingin ang lahat, maging ako. "S-sorry, Madame.. I had to run some errands and--"
"Just go inside at sit down, will you?! Ang mga heads ay nag-abala para lang maging maaga dito, and you are late.. Again."
"Hala si Enzo na naman.."
"Naku, lagot."Narinig ko sa ibang mga empleyadong naroon. "Yes.. yes, Ma'am." Why is he always stuttering?
Nakayuko siya, tiningnan ko siya hanggang sa makaupo. Napairap ako at sinenyasan si Christel na ipagpatuloy lang ang report niya.
~*~*~
I APPRECIATE IT MORE IF YOU LEAVE A COMMENT. PLEASE HAHA. Yung comment na tungkol dito sa story mismo salamat hehe.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother ✔
FantasyVirginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isang umaga, magising siyang may isang mala-anghel na batang lalaking bubungad, at ang tawag sa kanya ay...