Scared?

8.2K 184 1
                                    

It hit me. It hit me that Angelo's really gone.

Pumunta ako sa kwarto niya dito sa villa. No one's still in here. Si daddy ay nasa ospital pa para sa recovery niya. Although he's awake, his doctor advised him to rest for 2 days more. Nandoon din si Manong Gil nakabantay.

Yung snow globe na nabasag ko noon ay wala na dito. Malinis na. Wala nang bakas ni Angelo ang kwartong ito. Parang isa na lang itong guest room ulit.

Binuksan ko ang cabinet na nasa sulok. Narito pala lahat ng gamit niya. Mga damit, sapatos, laruan..

Tumulo ang luha ko. Hanggang sa nag-uunahan nang makawala mula sa mata ko. Napaluhod ako at napahawak sa dibdib. Masakit pa rin. Sobrang sakit.








Tanghali akong nakarating dito at di ko namalayang gabi na. Nakatulog ako nang nakabukas ang cabinet na pinaglalagyan ng mga gamit ni Angelo.

Walang nakasinding ilaw sa loob ng bahay, iyon lang ilaw sa poste sa labas ang nagsisilbing liwanag dito.

Bumangon ako at nakarinig ng mga yabag ng paa paakyat ng hagdan. Dali-dali akong tumayo para dahan-dahang isara ang cabinet at nagtago sa likod noon.

Pigil na pigil ang hininga ko kahit lumalakas ng lumalakas ang pagtambol ng puso ko para lang hindi marinig ng kung sinuman ang narito sa bahay. Ano nga ba iyon? Magnanakaw? M-multo?

"Aaaaaaa!" Napasigaw ako sa pag-iisip.

Bumukas ang ilaw at nakita ko ang gulat na Ivo na nakatayo sa pintuan.

Parang may kung anong nabunot na tinik sa dibdib ko at napahinga ako ng malalim.

"Love!" Tawag ni Ivo. "Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo, but you're not picking up. I tried asking--"

Naputol ang pagsasalita niya ng bigla akong napayakap sa kanya at umiyak. "Akala ko kasi may magnanakaw na eh.. hindi ko pa naman alam ang gagawin ko sakaling makita ako dito na mag-isa."

Ivo laughed heartily and I paused. "Why would a stranger be here? O baka naman naiisip mo... multo?" Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.. at muling umiyak.

He smiled and cupped my cheeks, wiping every tear. "Ako ang nandito.. and I will protect you in every way that I can."

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon