"Mommy! Dito po tayo!" Tawag sa akin ni Angelo. Hiyang-hiya ako kay Enzo at sa mga tao pang nagtitinginan. Without a choice, pumunta ako sa kinaroroonan nila.
Nakangiti pa si Angelo. Kita sa mukha ni Enzo na nagulat rin siya.
I nervously smiled. "Oh, hello Enzo."
Ngumiti siya at binati rin ako. "Isabay mo na po yan dito." I am hesitant pero inabot ko pa rin sa kanya ang pinamili namin ni Angelo.
Speaking of Angelo, nakayakap siya sa hita ni Enzo. "Daddy, daddy! Bakit hindi po kayo magkasama ni mommy? Bakit ngayon lang po kitang nakita?" Napapikit ako ng mariin at kagat ang ibabang labi ko.
"Ah.. haha, kasi kailangan naming mag-focus sa pagttrabaho. Your mommy is quite busy when in the office kaya gabi na siya nakakauwi diba?" It seems like he said it naturally. Walang pagaalinlangan, walang biro.. just his natural and usual self.
"Ah.. pwede po bang magkasama na lang kayo sa bahay? Para pareho ko naman po kayong nakakasama."
"Hindi pa rin, anak. Kasi kahit magkasama naman tayo sa bahay, pareho na kaming pagod pag-uwi dahil sa trabaho. Pasensya na, ha? Babawi pa rin ako sa susunod." Enzo smiled and patted Angelo's head. The kid gave a thumbs up and a smile.
"Sir, this counter please." Tawag ng cashier kay Enzo at sinabay na nga lahat ng pinamili namin. Nakita kong bumili siya ng isang necktie at sapatos. Sumunod naman ako sa dalawa. Inabit ko na rin ang debit card ko para mabayaran ang sa amin ni Angelo.
"Pero daddy, pwede ka po bang pumunta sa bahay na tinitirhan namin ni mommy?" Inosenteng tanong ni Angelo.
Napatingin sa akin si Enzo na parang nagtatanong kung pwede ba. "Angelo, it's already late, he needs to--"
"If the kid insists, it's fine." Sagot ni Enzo. Ah, sumasakit ang ulo ko.
Nagtatatalon si Elo sa tuwa. "Okay.. he'll.. visit our place." Sagot ko. Ah bahala na nga!!
Naglalakad kami palabas ng department store nang tinanong ko si Enzo. "Ah.. may dala ka bang kotse?"
Umiling siya. "No. I don't have a car and I'm just commuting. Papunta sa kahit saan maging sa opisina." I nodded.
"Sige.. ano, sumakay ka na lang rin sa kotse wag ka nang mag-commute."
"Alright. Thank you." He courteously said.
Pagkakita ko sa kotse, tumakbo agad doon si Angelo at binuksan ang backseat. "Angelo, why are you going to sit there?"
"Po? Kasama naman po natin si daddy eh kaya dapat magkatabi kayo." He innocently said. I sighed. Wala naman akong magagawa, diba?
"If it's fine with you, I can drive the car." Sabi ni Enzo pagpasok namin sa kotse. Hindi ko alam kung bakit parang nagtatambol ang puso ko!
"Paanong marunong kang mag-drive pero.. walang kotse?"
"Well, I used to be a taxi driver as a part-time job when I was in college. Hindi naman po ako laking mayaman." He smiled. I smiled back, but when I look in his eyes, it has a hint of sadness. God, Enzo is one of a mysterious man.
"Okay, if you insist." Nagpalit kami ng upuan ni Enzo kaya napunta ako sa tabi ng driver's seat. "We're just the same age, right?"
"Hmm.. yes. I'm 26, ma'am. You're 25 right?"
"Enzo, please drop the formalities when we're outside. You can even call me Marie. I'll be turning 26 in January 16." I casually said.
"Okay.. Marie." There is something in his voice. Yung parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa? He sounds intimidating and formal.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother ✔
FantasyVirginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isang umaga, magising siyang may isang mala-anghel na batang lalaking bubungad, at ang tawag sa kanya ay...