Dad agreed to the wedding.
Kasi wala naman na rin siyang magagawa..? Hehehe.
Cass calling...
"Yep? I'm picking my dress now! Bakit hindi yata ako naeexcite sa party na in-arrange niyo para sa akin? Something smells really fishy!" Nanliit ang mga mata ko.
"No, girl, you're going to enjoy this! I'll pick you up! Marnie's there. I'll make sure you'll enjoy it tonight!"
"Fine. I'll hang up now."
Before I got upstairs to go to VIP room Cass reserved, someone took a picture of me.
Tiningnan ko kung sino at si Marnie lang naman pala.
"Hayy, hindi ka talaga sanay magsuot ng maiksi. You're even covering that! Di naman maaabot ng tingin yan, besides, medyo madilim rin naman." Sabi ni Marnie at napailing-iling.
Ito.. kala mo hindi engaged kung makapagsalita eh!
"Tayo lang namang tatlo dito diba?" Tanong ko.
"Yes.. and the macho dancers. Let's start!" Pumalakpak si Cass at cue na iyon para lumabas ang tatlong lalaking nakasuot lang ng fit na black shorts.. or brief? Na may bowtie, itim na medyas at may maskara pa! Hindi talaga makikita ang mga mukha nila dahil natatakpan ng maskara ang buong mukha.
I covered my eyes. Hello? I'm not used to this!
"Enough covering your eyes, missy! Ngayon, makakakita ka ng mga mala-adonis na katawan. Sulitin mo na!" Excited na sabi ni Cass.
Nagsayaw ang tatlong lalaki sa harap namin. Hindi ba nahihiya ang mga lalaking 'to?
"Cass, hindi tayo pareho ng preferences. Okay?""Yeah, I know.. pero ang macho nila gurl! Ang gaganda ng katawan oh! Psst! En--kuya! Pakilapitan nga itong magandang babaeng nasa gitna namin. Ikakasal na kasi yan sa Sunday! Pa-experience mo nga sa kanya abs mo dali!"
"Cass nakakahiya!!!"
"Anyway, sabay na ang bachelorette party niyo ni Marnie ngayon. All expenses are paid by me, so mag-enjoy lang kayo mga friendships!" Matamis na ngumiti si Cass at uminom ng isang shotglass na puno ng vodka... without any chaser!
Lumapit sa akin ang lalaki. Bakit parang pamilyar ang physique niya? Pati ang amoy niya...
Ivo knows about this.. and surprisingly, he's fine. He agreed right on the spot noong tumawag ako sa kanya kanina! He said he was in his father's house and they'll be having dinner together with his siblings and of course, their dad. Yan ang sabi niya! O baka naman.. may bachelor party rin siya na hindi ko alam? Tsk.
The man started dancing.. nakapikit ako at pasilay-silay sandali kung anong ginagawa niya pero... hindi ba ang awkward nito?
He patted my head and danced slowly.
Dahan-dahan ring nagiging magkapantay ang mukha namin at mata niya lang ang nakikita ko. His aura feels... very familiar.One of his hands cupped my face at dali-dali kong tinanggal iyon sa mukha ko. "CASS!" I heard the man chuckle and I glared at him.
Nagulat namang lumingon si Cass sa akin na may subo pang strawberry na kakabigay lang ng isang lalaki.. wait, is that his boyfriend or fling of the month? At nakita ko ang isang lalaki na kahalikan na si Marnie... but it turns out, that's his fiancé!
"Cass, ano 'to?! Gusto mo bang magtaksil ako kay Ivo? That will never hap--" A man kissed me. Ivo! Ivo's... a macho dancer for tonight!
Agad akong kumalas sa pagkakahalik niya. Pinalo ko siya ng mahina. "Bakit ka sumasayaw ng ganyan dito? Baliw ka ba?!"
He laughed heartily. "Oo, baliw sayo," Lumapit siya sa akin at bumulong. "Gusto mo ba ng advance honeymoon?"
Nanlaki ang mata ko at feeling ko... sobrang sobrang init kahit naka-on naman ang AC!
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother ✔
FantasyVirginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isang umaga, magising siyang may isang mala-anghel na batang lalaking bubungad, at ang tawag sa kanya ay...