"Who are you?"

15.8K 378 12
                                    


Nasa lobby na ako ng condo ng tinawag ako ng security guard. "Ma'am Romero, good evening po. May nagpaiwan nga po pala ng isang box dito, sabi ay ibigay ko na lang po sa inyo ng direkta--"

"Good evening rin, sino ang nagpadala nito rito? Hindi ito nakakamatay ha? Hindi rin nakakatakot?"

"Ay ma'am, hindi po. Na-check na rin po namin, gamit ang x-ray scanner." Binigay rin niya yung box na tinutukoy. Nag-aalangan pa akong kunin iyon pero kinuha ko na rin. Medyo mabigat siya ha.

Nakarating na ako dito sa unit ko at diretsong umupo sa sofa. Hinilig ko ang ulo sa sandalan at pinikit ang mga mata. Ah, the beauty of solitude.

Tinanggal ko ang sapatos ko at blazer. Tiningnan ko ang box at binuksan ko.

CAKE!! YUNG CAKE NA NAKITA KO DOON KANINA NA GUSTO KONG BILHIN NG BUO AY NANDITO!

Thank heavens! Makaka-tatlong slice ako at heck, sa Sunday na lang ako pupuntang gym ulit. I'll indulge myself tonight in three slices of Blueberry Cheesecake, and I thank the one who gave me this. God, you know how much I want this. Sana wala po itong lason.

Then, I delighted myself to the heaven-like cheesecake. Kaya gustong-gusto ko doon bumibili ng cheesecake eh, dahil tama lang ang tamis.. and everything's perfect!

Nanunuod ako ng movie, at di ko namalayang.. tatlong slices na lang ang natitira.  Napatingin ako sa tiyan ko at di na ito flat. Baka kumain ako e noh? Huhu minsan lang naman 'to!!

Pero sino nga ba ang nagpadala ng cheesecake na ito sa akin?

Humiga na ako sa kama ko at pumikit. Pero bigla akong napadilat kasi.. gising na gising ako! Sa dami ng nakain kong cheesecake.. baka makatapos na ako ng tatlong monthly reports ng kumpanya!

Pero.. ayoko nang bumangon. Pilitin ko na nga lang matulog. 12 ng hatinggabi na rin naman.




Nagising ako sa liwanag. Naisip ko, umaga na rin. Nakatulog rin naman ako agad kagabi. Di ko pa dinidilat ang mga mata ko pero nakarinig ako ng kalabog.. sa tabi lang ng kama ko.

"M-mommy? Good morning mommy!!" Siguro sa katabing unit lang yun. I turned to the opposite side of the bed. "Mommy!! Gising ka na po!"

Ang ingay ng batang yun. Nako, irereklamo ko na yun sa admin, ang aga-aga eh.

Napabangon ako. Kinusot ko muna ang mata bago ko tuluyang idilat. Di ko alam kung namamalikmata ako o ano kasi nakakakita ako ng batang lalaking nakangiti sa paanan ng kama ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Paano nagkaroon ng bata dito sa unit ko?!
Tiningnan ko ang mukha niya at bakit kahawig ko?

Agad akong lumabas ng kwarto. Tiningnan ko kung naka-lock ang pinto ko, locked naman siya. Pati ang paligid, walang senyales na pinasok ako ng magnanakaw o kung ano.

Nakita ko sa likod ko yung batang lalaki. Nagaalangan pa akong hawakan siya kahit yung hintuturo ko lang pero.. totoo siya! Hindi aparisyon, hindi kaluluwa.. totoo siya!

"Who.. are you? Baka isa ka lang sa mga.. batang may modus ha! Hindi kita kilala! Sino ka ba?" Halos pasigaw kong tanong.

"Mommy naman! Ang pangalan ko po ay Angelo! Galing po ako diyan." Tinuro niya ang dibdib ko.

"Bastos na bata ka ba ha?!" Akmang papaluin ko na siya pero di siya gumalaw o umilag.

"Mommy, sa suot mong kwintas po. Hindi po sa dibdib mo." Ngayon, lumapit siya at pilit inaabot ang kwintas ko.

Natawa ako. Nababaliw na ba ako para sa mga bagay-bagay? I can manage my stress, ang psychological test ko ay ayos naman ang results. Wala akong hallucinations and stuffs, since never pa naman akong gumamit ng mga psychedelic drugs at kung ano pa. Pero.. "Hahahaha!"

Napabuntong-hininga ang batang lalaki. "Mommy, hindi po kasi ako nagsisinungaling eh!" Kunot-noo niyang sabi.

"Ha? Eh kung nanay mo ako hindi ba dapat hindi mo ako sinisigawan at sinasagot?!"

"Pero.. may galit po kayo sa mommy mo. Kay Lola--"

"Stop! Bakit kilala mo siya? Anong alam mo sa buhay ko, gayong ngayon ka lang sumulpot na bata ka at hindi ka naman galing sa sinapupunan ko?"

Nagsisinghot-singhot na siya. Yung tipong paiyak na? Yan, tama yan.

Tinutulak ko siya kasi kapit ng kapit sa akin. Pinapalabas ko ng unit ko. "Mommy! Mommy, hindi mo pa po kasi ako pinapag-paliwanag eh. Mommy, huwag mo ko iwan dito! Ikaw lang po ang kilala ko dito eh. Mommy!"

"Anong paliwanag pa? Male-late na ako sa trabaho ko, at tigilan mo ang pag-iingay na yan."

May isang matandang babaeng dumungaw sa malapit sa unit ko. "Miss.. how dare you get mad at your son? Ikaw ang maingay, so go inside and settle your issues with your son! Hindi yung dito pa sa labas, or else I'll call the guards." At dinabog pa ang pagsara ng pinto. I scoffed. Hah! Really? Eh hindi ko nga ito anak!

"For my sake, I'll let you in and you will explain everything.. everything to me, kung bakit naging instant mommy ako ngayong umaga. At kung sino ka ba talaga."

Masayang tumango ang bata, pero inirapan ko lang siya at pinapasok na ulit ng unit ko.

My worst morning.

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon