Court you

11.2K 290 10
                                    

"MERRY CHRISTMAS!" Dad's voice echoed in the whole dining area.

Pati kami, bumati na sa isa't-isa. "Now that we're done eating, why don't you open your gifts, Elo?"

Elo opened all his gifts. Hindi ko pa binigay ang sa akin, maybe before his bedtime I'll give it.

Galing kay daddy ay mga school supplies. Sobrang excited naman ni daddy?! Next year pa nga makakapag-enrol si Angelo eh.

"Wow, ang dami naman po nito!" Salamat po, Papa Lui!" Lumapit si Angelo kay daddy at niyakap niya ito.

"Anything for our boy." Dad smiled.

"Sayang, di ko alam na may Angelo pala kayo rito, sana nabigyan ko rin siya ng regalo." Medyo nanghihinayang na hayag ni Tita Loren.

"Ayos lang po! Sa susunod na pasko na lang po." Angelo chuckled at grinned. Tita cupped his face and smiled at him too.

"Oh, may regalo ka rin po para sa akin, daddy?" Nilingon niya si Enzo ng makita ang isang card na may pangalan na galing kay Enzo.

"Yes, open it!" Nakangiti si Enzo kay Angelo.

"Wow! Ano po ito?" Pinagmasdan muna ni Angelo kung ano ito. Bakit pareho kami na snow globe ang naisip na regalo para kay Angelo? Well, magkaiba naman ang nasa loob. Ang galing kay Enzo ay may isang bahay tapos may snowman. Ang sa akin ay ipina-customize ko na dalawang tao, which is ako at si Angelo na magkahawak-kamay at nasa playground kami at may isang Santa na malapit sa amin.. si Enzo.

"Alugin mo ng dahan-dahan, may glitters at parang snow diyan. Tawag naman diyan ay isang snow globe. Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman po daddy! Salamat po!" Yumakap si Angelo kay Enzo. "Mommy, wala ka pong regalo sa akin?" Inosenteng tanong ng bata.

"Secret." Ngumiti ako ng makahulugan.

"Eh, meron po yan eh!" Nakangiti si Angelo.

"Hingi muna ako kay Santa." And our laughs echoed.


"Ako po may sasabihin." Nagsalita si Enzo. Seryoso ang mukha niya na kahit ako ay napatingin sa kanya. Walang nagsalita at nagaabang kaming lahat sa sasabihin niya.

Tumingin siya kay daddy. "Sir.. Sir Luigi. Pwede po bang.. ligawan ang anak mo?" He stuttered! The usual Enzo in front of me while in the office stuttered again!

Tumaas ang isang kilay ni daddy. Si Tita Loren naman ay tahimik na tuwang-tuwa pero lumingon siya kay daddy at nangungusap ang mga mata.

For a few seconds, I felt tension. Until dad nodded and clapped and smiled. "Of course. Finally, someone asked for my permission to court my daughter. At siguro naman ay alam mo na ang mga dapat at hindi dapat gawin, hindi ba? We'll have a man talk some other time."

"Ano po yung ligawan?" Tanong ni Angelo. Natawa naman kami.

"You'll know it when you become a teenager, Elo." Dad laughed.

"I'm so happy for you, anak. I even thought you're a gay, not until you asked for Luigi's permission to court Marie!" Now, we all laughed. Even Angelo who didn't understood what Tita Loren said.





Tumanggi si Enzo na ihatid sila pauwi ni Tita Loren. Instead, they hailed a cab for them to go home.

Pagpasok ko ng bahay, bumungad si daddy. "I see, Enzo's a good man. He shouldn't dare break your heart or I'll break his bones!"

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon