The Testing

12.5K 328 6
                                    

"Angelo.. come with me. We'll go to a hospital." Yun ang bungad kong panggising sa kanya.

"Po? Bakit po? May sakit ka po ba?" Inosente niyang tanong.

"None. I just have to check something ang you should come with me. Now go and take a bath."

"Ah. Pero wala naman po akong ibang damit..?"

"So.. does it mean you haven't taken a bath for days?!" I was beyond shocked.

"Hmm.. opo." Simple niyang sagot.

"Di na bale.. b-bibili na lang rayo ng damit mamaya."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga po?"

"Oo. Kasi sa sabado, pupunta tayo ng bahay."

"May iba ka pa po bang bahay?"

"Oo. Si dad ang nandun. Pati mga aso namin." Parang kumislap ang mga mata niya pagkasabi ko na may aso.

"Wow, ang yaman niyo po pala.." Narinig ko ang pagkalam ng tiyan niya. Tumingin siya doon at hinawakan iyon.

Huminga ako ng malalim. "May fried egg pa akong niluto at tocino. Sige na, kumain ka muna." Utos ko at nakangiti naman siya sa akin.

"Opo, kakain na po ako." Malaki ang ngiti niya at maaliwalas ang mukha. May sinabi ba akong katuwa-tuwa para sa kanya?

Kasi diba, wala naman akong choice kundi bilhan siya ng damit, o kung ano pang gamit na kailangan niya. Wala eh, nakilala na rin naman siya ni daddy kahit itong bata ay hindi pa siya nakikita.

Nag-search ako sa internet kung saan may mabilis na paglabas ng resulta sa DNA maternity testing. At umuunlad ang Pilipinas, meron dito. Nagmamadali talaga ako para malaman ko kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito. I'm doomed when I saw this kid. And I'm more doomed when he said that I am his mother.. at yung kwento pa niyang parang walang maniniwala kahit isa.

Nang matapos siya, pumunta kami sa parking at kinuha ang kotse ko. Ako ang magddrive, siya naman ay nasa tabi ko at nilagay ko ang seatbelt sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tumingin ako sa kanya at abot-tenga naman ang ngiti. "Salamat po."

Hindi ko na iyon pinansin. Imbes, sinimulan ko ang makina at umalis na ng building. Aabutin ng dalawang oras ang byahe, kaya inalam ko na rin ang mga kainang madadaanan.

I'm feeling tired, traffic pati. Si Angelo, nakadungaw lang sa bintana at medyo nakanganga pa. "Is this the first time you went out?"

Tumingin siya sa akin. "Opo. Ganito po pala ang itsura.. maraming matataas na pader na makinang."

"You mean.. buildings?"

"Ano po iyon?"

"Buildings. Bil-dings." Pag-ulit ko. Mukhang kakailanganin ko pang paaralin ang batang to?

"Ah, paano po ang itsura ng mga letra?" Nakakunot ang noo niya.

"You mean.. how to spell it? B-U-I-L-D-I-N-G-S."

Napakamot siya ng ulo.. "Ah.. hindi ko po talaga maintindihan.. sa susunod po aalamin ko rin po yan." Saka siya dumungaw ulit sa bintana ng kotse.

"Ano po yun?" Tinuro ng bata ang fire hydrant na kulay pula na nasa sidewalk.

"That's a fire hydrant. Kapag may sunog, kinokonekta diyan ng mga firefighters yung malaking hose." Nakita ko ang pagtango niya.

Pinindot ko yung on/off button ng radyo.

"Wow. Paano po nagsasalita yung mga tao diyan? Nasa loob po ba sila? Kasya po sila?"

"No. Radyo yan. I just turned it on. At walang tao sa loob niyan." There's a hint of annoyance in my voice. Pagkatapos kong sabihin yun, tumigil na si Angelo sa pagtatanong. Nakaupo siya at nakapatong lang ang dalawang kamay sa hita.

Lagpas 10 na ng makarating kami sa ospital. Dumiretso agad ako sa testing. Dito, iba-ibang tests ang pwedeng ipagawa. Pregnancy test, pap smear, blood testing, CT scan, x-rays, at marami pang iba.

Inasikaso naman kami agad ng attending nurse at pinunta kami sa kwarto kung nasaan ang DNA testing. "Good morning, ma'am. May appointment po?"

"Good morning, yes. Two days ago, I called for an appointment for DNA maternity testing. I personally spoke with Mister Tiu."

"Okay, ma'am. I'll be the one to assist you first and do buccal swabbing. Mister Tiu will examine and release the test results. Unfortunately, the fastest release of results will be in 24 hours. Would you be fine with that?"

"Really? Okay.. then we have to go back here tomorrow?" Ang tagal ng isang araw para sa akin. Lalo pag ganito ang sitwasyon.

"You have options ma'am. First, Mister Tiu will call you. Second, we will send you an e-mail, Third, we can send it to you by mailing, and fourth you can also drop by here to get it. Whatever is convenient for you, ma'am." She courteously smiled at me.

"Okay, please just send it to me by email."

"And you have to fill this up first ma'am. Then we can proceed to the testing."

Pareho kami ni Angelo na nag-buccal swabbing.
Sterilized cotton buds were rubbed inside our mouth, specifically in the cheek. Pare-pareho naman daw kasi kahit pag sa dugo.

Pagtapos ng examination, naisipan kong pumunta na kami sa isang department store.

"Ano po yung ginawa sa atin kanina?" Tanong ng bata.

"It's.. a test. A DNA test."

"Ano po yun? Para saan po?"

"Para malaman kung totoo ba ang sinasabi mong anak kita.."  I casually said. Nanahimik na naman si Angelo.

Maya-maya nagsalita siya.. "Bakit po ayaw mong maniwala sa akin?"

"Kasi hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo. You claim that I am your mother... even if I'm.. a virgin. I never had any romantic or intimate relationships with men. If my friend didn't believe that my story of having you as a son, then no one would believe me. No one." Medyo napataas ang boses ko habang nagsasalita.

"Ano po ba ang pwede kong gawin para maniwala ka po sa akin?" Mahinahon pa rin ang boses ng bata. Walang kahit anong bahid ng pagkainis. Angelo didn't even have any tantrums.. or whatever a kid with a crazy mood swing would occur.

"I don't know yet. Let's just wait for the result." I calmed myself down. Of a kid can do it, I believe I can do it too.

Dumating kami dito sa department store ng isang mall na malapit lang sa hospital. Dumiretso agad kami sa mga damit na pambatang lalaki.


Kumuha agad ako ng mga tingin kong kasya at bagay sa kanya.

Di naman ako nagsisi, bagay naman lahat sa kanya ng pinasukat ko sa kanya ang ilang mga damit.

Tahimik lang siya at bahagyang ngumingiti pag binibigay ko sa kanya yung mga kailangang sukatin.

Sobrang dami ng mga pinamili kong damit para sa kanya. I didn't even realized that I splurged for that kid.

I have to say this, but I enjoyed. It felt like I was.. a mother.. or an ate for today.



Palabas kami ng mall ng makita ko ang isang pamilyar na matandang babae sa labas. She's smiling at me, so I smiled back. Naalala kong siya yung nakasalubong ko noon bago pumasok ng opisina.

Ganun na ba kaliit ang mundo?

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon