"Angelo, go to the room first. May paguusapan lang kami ni Papa Lui ha kaso bawal kasi makinig ang bata.." I whispered Angelo and he nodded. Pumasok naman siya sa kwarto at sinara iyon.
"So would you rather let your dear daughter go home late at night kahit na baha na sa mga daanan at sira pa ang kotse?" I calmly asked.
"Your car is parked there! So you're with that Pendleton all night?! Then what will happen next, I'll have a grandchild out of wedlock? How if Lorenzo won't agree to--"
"Dad, you know nothing. I'm tired. Papasok pa ako ngayon."
"Virginia Marie, don't turn your back on me, nag-uusap pa tayo!"
"Then don't yell at me na parang walang bata dito, daddy." I heard Angelo crying inside our room.
Ngayon lang rin naman ito nangyari sa amin ni dad. "You told me to date, now I'm dating. Pero ano ito, pinipigilan mo naman ako eh."
"I am allowing you, but not that Pendleton kid!"
"Daddy, mas nauna mo siyang nakilala bilang manliligaw ko kaysa sa Pendleton siya."
"Right. Then how can you be so sure that he's not some sort of a spy to our company? Malay ba natin kung--"
"Dad. Please. Not now. I'm not really feeling well dahil naulanan ako kagabi. Plus I have to go to work to finish some papers there. Just.. go home. Nandito na ako eh, I won't go anywhere far."
Dad tried to calm himself then sighed. "Hindi pa tayo tapos mag-usap ha."
"Angelo, why are you crying?" Paglabas ni dad ng unit ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto.
"Kasi po nagaaway kayo ni Papa Lui. Nagsisigawan po kayo eh."
The poor kid cried until I hugged him. "No, we're not. Okay? Halika na, bago ka pa ma-late sa school." Pinahid ko ang mga luha niya sa pisngi at hinalikan siya sa ulo.
Pagtapos niyang maligo ay nagbihis siya. Inaayos niya ang gamit niya para sa pagpasok ng magtanong siya. "Bakit parang pinagbabawalan po ni Papa Lui na pumunta si daddy dito? Nag-away po ba sila?"
"Ha? Hindi ah.. alam mo namang mabait rin ang Daddy Enzo mo hindi ba? Mabait rin ang Papa Lui, hindi sila nagaaway." Ang mema ko na. Basta mapanatag lang ang loob ni Angelo.
He nodded. "Ah.. okey po. Mamaya po ba ikaw ang susundo sa akin?"
"Oo naman. Anong oras ang dismissal niyo mamaya?"
"5 daw po, dahil may special classes po kami."
"Okay. Anong special class ka nag-enrol?"
"Piano po. Ang ganda kasi pakinggan. Diba, may piano po doon kay Papa Lui? Sa recital namin magppractice po ako doon."
"Wow! Kumusta naman doon? Wala bang nangaaway sayo sa school? Kinakain mo ba ang baon mo?" I was amazed that even at his age, he wanted to do complicated things. I'm a frustrated pianist myself. I had classes back when I was 6. Sumuko ako kasi pahirap ng pahirap talaga. Hahaha!
"Ah.. w-wala naman po.. saka nag-uubos po ako lagi ng.. baon ko, mommy." He fiddled with his fingers and looked down.
"Oh.. is there something wrong?" I worriedly asked.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother ✔
FantasyVirginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isang umaga, magising siyang may isang mala-anghel na batang lalaking bubungad, at ang tawag sa kanya ay...