The Unbelievable Truth

15.2K 348 5
                                    

Nasa sofa ako nakaupo at siya naman ay nasa sahig. He insisted though, hindi ko naman kasalanan.

"Galing po ako diyan." Tinuro niya ang kwintas kong gold at napatingin naman ako. May napansin akong kakaiba.. "Diba po, wala na yung anghel? Wala na pong kahit anong disenyo." Napatitig pa ako. Oo nga!!

"Pero hindi pa rin ako naniniwala. Paano kung tinanggal mo yung angel na nandito?!"

"May nakita po ba kayong bakas na tinanggal ko?" Mahinahon naman ang sagot niya pero naiirita ako!

"I love this necklace so much, pero yung pinaka-highlight ng kwintas kong ito, wala na!" Bwisit na bwisit ako!

"Papatunayan ko na lang po na hindi po ako magnanakaw, mananatili lang po--"

"NO! You can't stay here."

"Pero paano ko naman po mapapatunayang hindi po ako masamang bata? Kayo lang naman po ang.. ang kilala ko rito."

"Eh.. e-ewan ko ba sayo." Umirap ako at napatingin sa labas. "Eh bakit rin nga ba kasi nandito ka? Sa dinami-dami ng gustong magkaanak, ako pa yung biglang.. naging nanay ni wala pang boyfriend, hindi kasal, at very virgin pa!"

I saw him shrugged. Yes, he is cute.. pero sa panahong ganito kailangan ko pa rin maging sigurado. I can't even decide what to do with this child!

"Look.. what's your name again?" Humalukipkip ako at naka-dekwatrong upo habang katapat siya.

"Angelo po. Wag mo po kalimutan, mommy ha!" Nakangiti niyang sabi. His eyes were almost sparkling when he calls me that.

"No, you won't call mommy dahil hindi mo naman ako mommy, at hindi ka galing sa akin. Anyway, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," Napabuntong-hininga ako.. I came to my last, and only choice. "Dito ka lang. Huwag kang lalabas ng condo, huwag kang gagalaw ng kahit ano dito. Kung gusto mong matulog.. sige doon ka sa kama ko. But make sure, your hands and feet are clean, at kung paano mo dinatnan ang ayos, ganun mo rin iiwan. Make sure the door is locked at all times para walang sinuman ang makapasok rito. Maliwanag?"

"Opo! Opo mom--"

"Sshh! Not mommy. Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang dapat mong itawag sa akin. I'll think of it." Pagkasabi ko ay narinig ko ang sikmura niyang kumalam. Hindi ako masyado nakakapag-grocery ng pagkain rito dahil sa labas ako madalas kumain. Ipapakain ko ba yung cheesecake?

"Ayun, may wheat bread sa table. Yun ang kainin mo. Wala akong pakialam kung maubos mo man yan o hindi. Ang tubig ay nasa ref. Kunin mo na lang yung isang pitsel at kumuha ka ng isang baso sa tabi ng lababo. Iyon lang ang gagamitin mo ha." Tumango siya at ako naman ay dumiretso na sa banyo para makaligo.

Nagmadali ako maging sa pagbibihis at pagaayos.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo lang siya sa sofa. Nakasandal siya at nakababa ang paa, tapos yung dalawang kamay niya ay nakapatong lang sa hita. "Aalis na ako."

Naupo ako para magsapatos at bigla siyang lumapit at yumakap. "Ingat po, mommy. Huwag ka pong magpapagutom."  Kumunot naman ang noo ko at hindi na pinansin ang sinabi niya kaya tumayo na ako at lumabas ng unit saka nilock iyon. Huli kong nakita ang mukha niyang nakangiti.

God, anong klaseng umaga naman ito!

Dumating ako ng opisina at agad nagbilin na bilhan ako ng sekretarya ko ng kape at dalawang piraso ng mamon.

Mabuti at ilang minuto lang ay dumating na agad. I can't function without eating anything in the morning.

"Ma'am this will be your schedule for today..." Nilahad ni Jeena ang mga kailangan kong gawin at puro naman report ang narinig ko. Year-end reports so it only means that I have to work overtime.

I need to call the department heads personally, they need to give me their final reports so I can compile them.

"Mister Pendleton, I need you to give me your final reports now."

"Yes, Miss Romero. I was about to give it to you today. However, I have to do some minor edits. I will hand it to you personally in thirty minutes."

"Fine then. I just need you to give it to me today. That's all." Ibinaba ko na ang linya.

Napansin ko ang sticky note ni Jeena sa tabi ng monitor ko.

Christmas Party on December 21


Hanggang ngayon, naisip ko pa rin yung sinabi ng batang lalake. Oh God, how can I bear with all these? Paano pa pag nakita ni papa yun, ano ang sasabihin ko?

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon