The Necklace's Spell

28K 581 27
                                    

6 years ago..

"I.. want to sell this necklace." Sabi ng isang middle-aged na babae sa counter nitong antique shop. Mukhang mangiyak-ngiyak pa nga ang itsura.

"Good morning, ma'am! I'm Sabina, the owner of this antique shop. Since we have strict policies and procedures to take, we need your full cooperation. Para na rin po sigurado na harmless ito. We haven't encountered customers complaining, and we have to maintain that. May we know your name?" Sabi ng may-ari ng antique shop.

Medyo nagulat pa ang babae. "Ah.. yes, yes sure.. My name is Aurora Salamangca. 35 years old.."

"Okay, ma'am. We need you to fill this up." Nakangiting sabi nung may-ari.

Hindi naman harmless itong necklace, ako ang gumawa eh. Hypoallergenic pa nga. Naku, excited na nga akong makita ang magiging ina ng batang nariyan sa loob ng necklace! Sana, siya ang makabili nito. Sa tamang panahon. Alam ko namang mahilig si Marie sa mga antique na mga bagay.

"Ma'am, may we know, kung bakit mo ito ibebenta? This is so beautiful. Indeed, an antique necklace collector's item. Lalo na kung mahilig ang bibili nito sa baby angels." Nagagalak na sabi ng may-ari.

Lumapit si Aurora.. "But first, I have a favor to ask you.. Pwede bang itago niyo muna ito? I mean, wagniyong ipagbibili kahit kanino, basta sa isang babaeng nagngangalang Virginia Marie G. Romero lang? Please.."

Medyo napalayo ang may-ari. "Pero ma'am, since this is an antique shop, kailangan pong naka-display lang lahat ng--" Nawalan ng pasensiya si Aurora at ginamitan niya na ng spell ang may-ari. Hinawakan niya ang magkabilang-kamay nito.

"Kanino mo lang ibebenta ang necklace?" Matigas na pagtatanong ni Aurora.

"Kay Virginia Marie G. Romero lang.." Parang sa kanilang dalawa lang umiikot ang oras, parang sila lang ang naroon sa shop na iyon. Mahika nga naman, misteryoso at mahiwaga.

"Don't ask me again with all the information. This necklace has a spell. Don't tell her my name." Nagbilin pa ng iba si Aurora. Matapos iyon, tila bumalik na sa normal ang lahat.

"O-okay ma'am. Thank you." Nag-iwan si Aurora ng 25,000 pesos sa counter at umalis na.

Naisip ng may-ari na i-display pa rin ang kwintas, pero naglagay nang note.

NOT FOR SALE

Huminga siya ng malalim. Sino nga ba kaya yung Virginia Marie na yun? Tanong sa sarili ng may-ari ng antique shop.

Sa kabilang dako..

"Once she wore that necklace, a boy will be her guardian angel, and he will be her son. I will be the one to watch over them, I will guide them. After that, a man will surely love her and be with her until the end."

The Virgin Mother ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon