Handa na akong umalis ng opisina ko ng may kumatok pa. Sino ba iyon? Imbes na nakalabas na ako dito..Sige na, tatanggapin ko na lang, at baka kliyente pa yun. "Come in."
Bumukas ang pinto at niluwa noon si Enzo. Napapikit ako at huminga ng malalim. "I should be going home right now. Kayo rin mga heads at empleyado, hindi ba?"
Naglakad siya papunta siya sa akin at tumayo ng tuwid pagtigil sa harap ng desk ko. "I just want to apologize for what happened, ma'am. I just have to.. rush my mother to the hospital due to.. a heart attack."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano pa ang ginagawa mo dito? Dapat ay pumunta ka na agad sa ospital ngayon! O kanina, sana ay hindi ka na lang pumunta ng meeting. Ayoko lang naman ng late sa ganun." Binigyan ko ng diin ang mga salita ko pero hindi naman nahaluan ng galit.
Aaminin ko sa sarili kong isa talaga akong perfectionist. I want everything in order and details should be elaborated well. That's what I am. Kung hindi ako ganoon, paano pa sa akin ibibigay ni daddy ang kumpanyang ito?
"Sorry ma'am.." Hindi siya nakatingin sa mata ko, kundi sa sahig. Sa sapatos niya? O sa hem ng pants? I don't know.
"Wala namang magagawa ang sorry mo hindi ba? It has been done, so on the next meeting, prepare yourself. Not to be late." Tumingin siya sa akin. Straight into my eyes! It was like he is demanding for an eye contact. Tiningnan ko rin ang mga mata niya.
I somehow see his weariness. There is a hint of pain in his eyes. But it is none of my business. "Maari ka nang umalis at gusto ko na ring umuwi." Malamig ang pagkakasabi ko, bumalik na naman ang tingin niya sa sapatos niya. What's so interesting in looking down?
Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. Nauna ako maglakad sa kanya, pero binuksan niya ang pinto para sa akin. "Ingat po kayo."
Lalakad na sana ako papuntang elevator, pero tumigil ako. Nilingon ko siya. "For a department head like you, you shouldn't look down literally. Do you have an inferiority complex? Kung ganoon, marami ang makakaagaw sa posisyon mo ngayon. Wag kang tingin ng tingin sa sapatos mo, o sa sahig. Always hold your head up."
Lumapit ako sa kanya. I looked at him from head to foot. "I think you should.. groom up more? Don't look like an employee from the lowest position. Baka matalo ka pa ng lalaking receptionist sa porma mo." Pagtapos ko sabihin iyon ay naglakad na ako at tumigil sa harap ng elevator at pumasok doon. An elevator exclusively mine since there are five more for employees' use.
Paglabas ko ng building, naisip kong gusto kong maglakad-lakad muna. Good thing, I wore my flats.
Tumigil ako sa harap ng coffee shop sa di kalayuan at pumasok para bumili ng blueberry cheesecake. This was the best cheesecake I have tasted. Suki na nga ako rito.
Gusto kong bilhin ang isang buong cheesecake na nandon!
"Good evening ma'am Romero!" I smiled. Her name plate says she is Vina.
"Can I have the whole blueberry cheesecake?"
"Sorry ma'am. Reserved nga po pala iyan para bukas ng umaga." Ikinalungkot ko ang sinabi niya.
"Really?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Opo ma'am eh. Kani-kanina lang po. Sorry." Pang-ilang beses ko na nga ba narinig ang salitang sorry ngayong araw?!
"Alright, I'll just have the banoffee pie for take out." Tumango siya at ngumiti.
Isang minuto lang siguro ang lumipas at nakuha ko na ang order ko ng naka-box na maliit. "Thank you ma'am! See us again." Ngumiti siya sa akin at sinuklian ko naman yun pabalik.
Lumabas ako at natanaw ang antique shop. It wasn't open for like, two years? Mukhang ngayon lang ulit.
My love for antiques is big so without a doubt, I went inside the shop. Nagmamadali pa ko niyan ah! Buti na lang talaga at nakasuot ako ng flats ngayon!
Pagpasok ko, nakita ko agad ang mga collectibles doon. I preferably collect small things like figurines.
"Good evening ma'am!" Lumingon ako sa nasa counter at nakangiti siya. Nakangiti rin ako dahil overwhelmed ako sa ganda ng mga bagay na nandoon.
Tumingin ako sa itaas at nakita ang mga chandelier na glass, wooden, may gawa pa sa capiz, at iba pa. They look so great! Gusto kong bumili kahit isa!
I looked further, and went to the jewelry section. One necklace caught my attention. Nasa loob siya ng isang glass. Tinitigan kong mabuti. It is like a golden necklace with a heart pendant, sa loob noon ay isang angel.
NOT FOR SALE
Pero bakit?! "Miss.. uhm.. hindi ba talaga ipinagbebenta iyong necklace na nandoon?" Agad akong pumunta sa counter para tanungin iyon. I badly want to buy it, kahit magkano pa!
"Sorry ma'am. For viewing lang po talaga. Noon pa man, hindi ipinagbebenta ng shop owner iyon ma'am, eh."
"Put it on sale, then." May isang babaeng umeksena. I'm starting to think that she is the owner of this antique shop.. Ngumiti siya sa akin at napangiti rin ako.
"Really?! Are you.. going to.. sell it to me? Kahit.. magkano bibilhin ko yan!" Para akong batang di makapaniwalang makakabili ng isang laruan.
"I can sell it to you for only two thousand pesos, ma'am." Agad kong kinuha ang two thousand pesos cash na nasa wallet ko. Kaya ba buti na lang kanina ay nag-withdraw ako ng pera?
"Here." Ngumiti ako at binigyan niya ako ng resibo. Pina-sign rin niya ako para confirmed na ako nga ang buyer ng necklace.
"Thank you very much, Miss Romero. Have a good night. May your mornings be more beautiful and bright. Kilala ka po namin dahil sa mga tabloids at magazines, pati sa internet, you are one of the most searched eligible bachelorette in the world." She flashed a very bright smile at umalis na rin ako. Agad kong sinuot ang necklace.
I feel so deserving for this, I get to treat myself.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mother ✔
FantasyVirginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isang umaga, magising siyang may isang mala-anghel na batang lalaking bubungad, at ang tawag sa kanya ay...