II. GET OUT OF MY MIND

45 4 0
                                    


            "ANAK, kumusta ang mga classes mo these days?" Boses iyon ng mama ni Diana Carvahal. Katatapos lang nitong kumatok sa kuwarto niya. Ngayon ay nasa tabi na niya ito sa may malambot niyang higaan na Queen size. Magandang tingnan ang kuwarto niya na modern ang design. Kapansin-pansin naman ang mga pictures sa may wall. Puro anime drawings ng mga naggagandahang mga babae na naka-cheer leader get-up. Iba-t iba ang mga design ng outfit pero puro colorful at sexy ang cut.

"Okay naman ma," tugon niya. Katatapos lang niyang suklayin ang malago niyang buhok na dark brown. Pagbaba niya ng brush ay yumakap siya sa kanyang mama.

"Ma, nakikilala na ako sa school. Nag-try out ako sa cheerleading sport two weeks ago at agad na natanggap." Sagit siyang kumalas sa pagkakayakap. "Makakapag-pakitang-gilas lalo ako pagdating ng sportsfest namin," masigla niyang salaysay. "Tsaka I have so many friends now! Nagagamit ko na naman ang mga talents ko! Parang bumabalik na ang lahat sa dati!" Her big brown irises were sparkling with merriment.

"Anak, sa wakas tinugon ng Diyos ang ating mga panalangin!" naiiyak ngunit natutuwa nitong sambit saka siya niyakap ng mahigpit. Nang kumalas na siya muli itong nagsalita.

"Sabi ko sa iyo, God is with us...He's with you each step of the way. Natutuwa ako sa tagumpay na kanyang ipinagkaloob sa iyo Diana!" madamdaming wika nito sabay pisil ng malalambot niyang mga kamay.

Dapat nasa kolehiyo na siya sa edad na 16. Exceptional kasi ang kanyang abilities at intellect. She was promoted in school during her early years. Pero dahil sa isang masamang insidente nagbago ang lahat. Kaya heto siya, soon to be graduating from highschool at the age of 19.

Nagpatuloy siyang magsalaysay sa kanyang mama. Pero hindi niya binanggit ang pagkakabunggo sa kanya ng isang college student na muntik nang maging sanhi ng pagkabagok ng kanyang ulo. Baka mag-alala kasi ng malubha ito.

Iyon nga ba? O ayaw lang niyang ma-replay sa isip ang itsura ng binata?

Kaso mahirap. Paano niya makakalimutan ang lalaking talk of the entire campus, lalo pa't natuklasan na niyang napakaguwapo pala nito kapag malapitan. And his strong masculine scent that seemed to linger in her nostrils didn't help either to make her forget the unexpected encounter. Kung ililista isa-isa ang mga good qualities nito baka abutin siya ng madaling araw. Hindi siya magsisinungaling, unang pagkikita pa lang ay malakas na ang dating ng binata sa kanya. His striking image could not be erased.

"But for your own sake Diana, kailangan mo siyang iwasan nang hindi maulit muli ang kirot ng nakaraan!" mariing bulong niya sa sarili bago natulog ng gabing iyon. Sa pagpikit ng malalambot niyang mga talukap, kasabay na lumabas sa kanyang imahe ang guwapong lalaki na kilala sa pangalang Ruvick.

"Ba't ba hindi mabura sa aking isipan ang mga titig mo kanina! Nakakainis na talaga!" naaasar niyang bulong sabay subsob ng mukha niya sa may unan na malambot.

Diana, please don't betray yourself... natatakot niyang isip habang nakapikit at yakap ang kanyang unan. Nag-iba na naman siya ng posisyon ng paghiga. Halatang restless. Ang importante magkaiba kayo ng campus kaya madali mo siyang maiiwasan, kumbinsi niya sa sarili na naging dahilan upang siya ay kumalma ng kaunti. Sa kaiisip kung paano maiiwasan ng tuluyan ang binata, hindi na niya namalayan kung anong oras siya tuluyang dinalaw ng antok.

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon