XVII. Unexpected Turn of Events

21 2 8
                                    


NANGISLAP SA TUWA ang mga mata ni Diana habang pinagmamasdan ang ganda ng bahay ng binata. Moderno ito at maganda ang hardin sa may labas malapit sa may gate. Puno ito ng mapupulang mga rosas.

Sa labas sila magkukuwentuhan dahil hindi naman gaano matindi ang sikat ng araw, dala na rin siguro ng mga naglalakihang puno sa may backyard. Hinatid siya ni Ruvick sa may mesa na napapaligiran ng mga upuan na metal na napaka-sosyal ang dating.

Walang duda na na-surprise nga siya. Naroon kasi sina Jed at ang mama ni Ruvick, pero hindi lang iyon. Naroon din sina Tapyas, Singko at Dos. Parang reunion ang nangyari.

Alanganin niyang inabot ang mga nakalahad na mga kamay ng bawat isa.

"Iha, okay ka lang ba? B'at ang lamig-lamig ng kamay mo?"

"A-ah wala ho, malamig lang siguro ang kamay ko dahil malamig ang ipinanligo ko kanina."

"Wow pare. Tama ka pala, maganda nga si Diana. Parang gusto ko ngang iwanan ang kasintahan ko," wika naman ni Singko, ang pinaka-chickboy sa lahat ng mga kaibigan ni Ruvick. Halos luwa na ang mg mata nito sa katitig sa kanya. She was wearing a pink chiffon baby doll of shoulder blouse na tinernuhan ng red shorts at white sandals.

Halatang proud na proud naman ang kanyang boyfriend sa naririnig na mga comments lalo na ang pagsegundo ng mama nito. Not only was his mom drawn to her lovely face but most of all her beautiful thick dark brown silky hair.

"Hey, may problema ba?" ani Ruvick na hinaplos ang kanyang pisngi at baba? Bakit namumutla ka?"

"A-ah wala lang 'to..." Her heart was beating wildly na para bang gustong tumalon papalabas ng rib cage niya.

"Sayang, mukhang hindi maganda ang pakiradam mo ngayon Diana. Balak ko pa namang yayain kang mag-swimming sa pool," wika nito. Sa may di kalayuan ay may pool. The aqua waters were so inviting. Pero alam niyang once na pumasok siya roon at nabasa ang kanyang scalp, matatapos ng biglaan ang almost perfect relationship nila ni Ruvick.



"TAMA NGA ang anak ko iha. Napakaganda mo talaga! At ang buhok mo, kakaiba. Napakalago at makintab tingnan. Ano ba ang sikreto mo?" curious na wika ng mama ni Ruvick habang sila ay nagmimirenda.

Magandang klase ng wig ang gamit ni Diana. Mula ito sa tunay na buhok at alaga sa mga special chemicals na mula pa sa kumpanya ng Papa ng dalaga. Hindi nga aakalain ng sinuman na ito ay peke.

Sa may di kalayuan, ang mga kaibigan naman ni Ruvick ay busy sa paglalaro ng volleyball. Maluwang kasi ang lugar sa labas ng bahay nito.

""Wag kang mag-alala ma, malalaman mo din ang sikreto ni Di," natatawa niyang wika. "Oh Di, since close na kayo ni mama, siguro puwede ka nang bumisista sa salon niya. Promise, hindi niya hahayaan ma-dry o masira ang buhok mo. Takot lang niya kaya sa akin."

Nagkatawanan tuloy silang tatlo. Ni hindi man lang niya napansin na pilit na tawa ang ibinigay ng kasintahan. Ni ang pamumutla ng makinis nitong mukha ay di niya napansin.

"Ma'am handa na po ang pagkain," singit bigla ng kasambahay nila Ruvick.

"Ay sige, halika na't magsikain na tayo," yaya ng mama niya saka tumayo. "Mamasyal na lang tayo sa mall kasi baka masira ng chlorine ang buhok mo kapag nag-swimming tayo. Medyo matapang pa naman ang pagkakalagay ni Sita ng chlorine noong nakarang araw."

Sumunod naman silang dalawa. Napansin niyang parang nabunutan bigla ng tinik ang kasintahan.

Saka ko na tatanungin kung ano ang bumabagabag sa kanya, isip niya matapos makipag-holding hands dito.

Malapit na sila sa may pinto nang biglang maalala ni Diana na naiwan pala sa may mesa ang bracelate nitong ineregalo niya sa kanilang fourth monthsary. Kumalas ito sa pagkakaholding-hands nila para kunin ang naiwan.

Nakita niya itong umilag sa bola bigla habang papunta sa may mesa. Paano ayaw magpaawat ni Tapyas at Dos sa paglalaro ng volleyball. Kailangan daw may manalo e wala namang net kung tutuusin.

Naabot na ni Diana ang bracelate, pagtalikod naman nito ay nabunggo ito ni Tapyas dahil sa pag sapul ng bola pabalik sa puwesto ni Dos.

Huli na nang ma-realize ng kaibigan niya ang nangyari. Sa lakas ng puwersa ng pagkabunggo tumalsik si Diana sa pool. Ang problema, kasasabi lang nito kanina na hindi ito marunong lumangoy. Much worse, her slender frame fell in the most deepest part of the pool. Halos maiwan na niya ang sariling kaluluwa sa kinatatayuan dahil sa pagkakataranta.

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon