XV. CONVINCED

16 1 0
                                    


KANINA PA nakikipaglambingan si Diana sa kasintahan nang hapong iyon. Sabado kasi kaya wala silang pasok, at nasa park sila ng mga oras na iyon.

Kanina pa niya hinahaplos ang pisngi nitong tila inukit. Panay pa ang pisil niya at banat sa magkabilang pisngi nito upang pilit na palabasin ang ngiti nito, kaso wala pa ring nangyayari. "Hoy! Ba't ayaw mo ba kasing ngumiti! Tingnan mo, mukha ka nang lolo tuloy."

Sa sobrang inis niya umayos na lang siya ng upo at napanguso sabay cross-arm. Sa kanyang pagkadismaya ay napayuko na lang siya. Dahan-dahang bumagsak mula sa mga balikat niya papuntang dibdib ang malagong buhok niya na kulay dark brown. Headband na pink ang tanging palamuti na suot niya sa ulo.

"Ano bang problema mo, Ruvick? Hindi mo ba nakikita, pinipilit kong bumawi sa mga oras na hindi ko naibigay sa iyo?"

"Tell me Di, ba't hindi mo ako mapagbigyan sa hinihiling ko? Mahirap ba talagang sumama ka sa akin sa salon ni mama?" Ramdam niya na masamang-masama ang loob ng binata sa kanya.

Ayan na naman siya, panay ang salon ng kanyang mama ang bukang-bibig. Hindi nga puwede Ruvick. Paano na pag natuklasan niyang hindi totoo ang buhok ko? Napapikit siyang saglit. God, nahihirapan na talaga ako sa sitwasyon naming dalawa. Sa panahong ito hindi ko talaga maunawaan kung ba't mo ako hinayaang magkaroon ng ganitong klaseng tadhana! 'Di niya mapigilan ang manumbat dahil sa mga nangyayari.

"Alam mo Di, I've been thinking a lot about us..."

Ba't parang iba ang nararamdaman ko sa pagsasalita niya? Kinabahan siyang bigla.

"A-anong ibig mong sabihin...?"

"Wala lang...minsan iniisip ko kung nakakabuti ba talaga sa ating dalawa ang pagpasok natin sa isang relasyon."

Wala siyang nagawa kundi ang pagpawisan habang tumititig sa katabi, habang nakatingin naman ito sa malayo.

"Magmula noong naging tayo, medyo nadi-distract na ako sa loob ng klase sa kaiisip sa iyo. Nakapag-sinungaling na rin ako dahil sa pagtatanggol ko sa iyo..." Humarap itong bigla sa kanya na walang ka-amor-amor ang mukha.

Her palms became sweaty. Pero nawala din naman agad ang kanyang agam-agam nang hawakan at pisilin nito ang kanyang mga kamay na nanlalamig. Malungkot pero may panunuyo ang mga mata nito.

"Di, tao lang ako na nasasaktan. Though I want to be the perfect guy for you, may emosyon din ako, nagagalit, nalilito, nagtatampo..."

Hindi na nito kailangang mag-elaborate pa. Alam niya kung ano ang issue na nasa puso nito. Kaya, wala siyang choice kundi ang magdesisyon ng agaran.

"I-I'm sorry kung pinapaasa kita madalas tungkol sa pagpunta sa salon ng Mama mo. S-sige...papayag na ako."

"R-really?" Nagliwanag bigla ang mukha nitong parang dinaganan kanina ng kalangitan. His face was beaming with joy now. Siyempre, di niya mapigilan ang sarili na mamangha sa kaguwapuhan ng nobyo. Kahit anong expression ng mukha nito, nananatili pa rin itong guwapo. Pero mas gusto niya ang kaguwapuhan nito na dala ng sobrang kagalakan. Lalo na ang yakap nitong napakahigpit na dulot ng nag-uumapaw na tuwa.

"Di, you won't regret your decision," bulong nito sa kanyang tenga habang dinudurog siya sa matinding yakap.

Sana nga Ruvick, sana nga...

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon