NAKANGITI si Diana habang nakaupo siya sa may metal black bench na nasa may tabi ng garden ng campus nila. Mayroon siyang hawak na sketch pad. Matatapos na ang anime cheerleader na iginuguhit niya. Detalyadong-detalyado ang pagkakaguhit niya ng malago nitong buhok na kulay blonde. A satisfied came from her peach –pink lips after her masterpiece was done.
"Mabuti pa kayong mga anime, walang kaproble-problema sa mga shampoo na nakakapagpa-dry ng buhok at sa sikat ng araw na nakakapagbigay ng split ends," bulong niya sa sarili habang nililinawan ang mga pilikmata ng kanyang karakter na kasing hahaba nung sa kanya.
Edad thirteen siya ng magkaroon siya ng napaka-severe case ng Alopecea Areata, a rare hair disease. In same cases puwede namang ma-treat and condition na iyon, pero nagkataon lang na 'yung sa kanya ay napabilang sa without treatment noong tumuntong siya ng edad na 16. Nagsimula lang una iyon sa ilang paglagas ng buhok, hanggang sa nagkaroon ng mga bald patches. Nagagamot pa iyon noong una, pero di naglaon ay lumala din dahil sa abonormalidad ng kanyang autoimmune system hindi na iyon tuluyang bumalik pa. Na-restore man ang kanyang kalusugan dahil sa tulong ng sari-saring mga medication, hindi na bumalik ang dati niyang malago at makintab na buhok.
Kaya siya natigil sa pag-aaral. Nang maladlad sa kanyang dating highschool na siya ay kalbo, siya ay napahiya ng sobra-sobra. She received a lot of criticisms and hate remarks sa paligid. Tinawag siyang isang living cancer freak. Ang masama hindi lang galing iyon sa mga schoolmates niya kundi sa taong itinuring niyang espesyal. Walang iba kundi si Caleb, ang dating nobyo niya.
Halos tatlong taon din siyang huminto sa pag-aaral. Mabuti na lang at isang chemist ang kanyang ama na nagtatrabaho sa isang sikat at malaking kumpanya sa Norway. Naging masugid ito sa pag-aaral ng iba't ibang chemical compounds upang maibento ang isang perfect formula na makakatulong sa pagdikit ng isang wig sa anit gamit ang compound na walang nililikhang allergy or rashes. Kung baga sa pandikit ng designer nails may nilikhang tamang compound para maidikit ang mga iyon sa ibabaw ng kuko. Tulad din ng fake lashes, may tamang chemical solution na ginagamit pandikit upang maipatong sa ibabaw ng gilid ng mga talukap. Maaaring matanggal lang iyon kung matamaan ng acid rain or chlorinated water.
Kahit medyo may kamahalan iyon, okay lang. Mayaman naman sila.
Kaya heto siya ngayon, nang magkaroon siyang muli ng lakas ng loob na mag-aral sae dad na 19, lumipat sila ng panibagong lugar upang matapos ang highschool level sa Beverly School. Tanging si Aimee lang ang napagkatiwalaan niya ng kanyang sikreto dahil unang araw pa lamang ng pasukan ay naging mabait na ito sa kanya. Her friend was not the type who would betray her trust.
Saglit niyang inilapag ang lapis na hawak at napatingin sa malayo na nangingiti. Tatlong linggo na ang nakakaraan magmula noong nawala si Aimee bigla habang cheerleading praktis nila. Kinabukasan nalaman niya mula rito na dumating mula States ang kapatid nitong panganay at sinurpresa itong bigla sa school at sinundo. Dahil busy sila sa pagpa-praktis hindi na ito nakapagpaalam. Pero nag-text naman, hindi nga lang niya nabasa dahil sa sobrang kaiisip sa buhok niyang mababasa ng acid rain at dahil sa tension na rin na natanggap ng kanyang sikmura dahil sa katititig ni Ruvick habang nag-eensayo siya.
Doon lang niya na-realize ang verse na madalas banggitin ng kanyang mama, ang Romans 8:28. "All things work together for good to those who love God..."
Kung hindi mo ako iniwan Aimee, hindi ako maihahatid sa bahay ni Ruvick.
Suddenly her imagination became active. At na-recall niya bigla ang lahat ng pangyayari tatlong linggo na ang nakakaraan. Kung gaano ka sarap ang feeling na yakapin ng malaki at mainit nitong bulto ang kanyang giniginaw na katawan habang iniiwasan siyang mabasa ng ulan. Kung gaano siya nahirapang hindi kiligin dahil sa malubha nitong concern sa kanya.
BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomantikMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...