I. The Unexpected Meeting

163 7 4
                                    




            "Sasama ka ba sa akin o hindi?" wika ni Ruvick kay Jed, ang bestfriend niya na four inches ang baba ng height mula sa kanya. He was 5'11. Kanina pa niya gustong magpunta sa hair salon ng kanyang mama upang ilibre ng gupit ang kaibigan pero gusto raw nitong makilala niya raw muna ang bagong babaeng napupusuan nito ngayon at nililigawan. Naglalakad sila sa may hallway patungo sa may school gate ng campus nila ng mga oras na iyon. They were both freshmen nursing students. Four years na ang nakalipas magmula noong magsimula ang K-12 system.

"Just make sure papasa sa akin ang ganda niya," aniya dito saka sinuklay ang sariling buhok na malago at naka-brush-up gamit ang mga daliri.

"Hindi na kailangan, hindi naman ikaw ang manliligaw sa kanya," natatawa nitong tugon habang pinagmamasdan ang wristwatch nito. It was almost lunch time.

"Hi Ruvick Ferrer!" Halos magkasabay na binanggit ng limang babaeng mga nursing student ang kanyang pangalan. Lahat ay pawang kinikilig at nagba-blush habang pa-cute na kumakaway-kaway sa kanya habang pasalubong na lumalakad sa may hallway.

"O siguro naman may mapipili ka na sa mga iyon," ani Jed nang lumampas na ang mga babae. "Magaganda silang lahat."

Napabuntong-hininga lang siya. "Not my type. 'Yung isa sobrang tangkad, 'yung isa petite naman, at 'yung isa may peklat sa braso at napaka-dry ng buhok."

Napanganga si Jed habang pinagmamasdan ang cool na cool na ekspresyon ng kanyang mukha. Guwapong-guwapo siyang tingnan lalo pa't naka-nursing uniform siya. Malinis ang kanyang mukha at makatawag pansin ang jawline niyang maganda ang hugis. Malalim kung tumitig ang kanyang dark brown eyes at madalas pagpantasyahan ng mga babae ang kanyang mga pisngi na tila inukit. Ang mga bagay na ito, plus ang kanyang katalinuhan ang naging dahilan kung bakit naging sikat siya sa kanilang College campus.

"O anong iniisip mo riyan?" aniya na medyo umangat ang kabilang sulok ng mga labi. It was the smile that often made girls swoon. Sinamahan pa nga ng pagtaas ng isang makapal niyang kilay. It was a mark often seen in movie spy agents.

"Sabagay, may karapatan kang maghanap ng perfect girl kasi you're the perfect guy already."

Napa-taekwando position siyang bigla. Maayos ang kanyang pagkakatindig, tamang-tama ang distansya at layo ng mahahaba niyang legs na matitikas. Ang magaganda niyang braso na firm ang muscles ay naka-fighting position din.

"Umayos ka diyan Jed! 'Wag mong sabihing nababakla ka na sa akin!" Naipit niya ang mapupula niyang mga labi pagkatapos. Salubong naman ang mga kilay niya habang tinititigan si Jed.

"Ay naku pare, tigil-tigilan mo ako ha!" Pati ito ay napa-taekwondo position na rin. P.E subject nila 'yun last year, pareho silang lumabas sa top. Guwapo rin naman ang kaibigan at matangkad ding tulad niya, 'yun nga lang pag magkatabi na sila, mas angat lang talaga ang kaguwapuhan niya kaysa rito at mas pansinin ng mga babae.

Sa katunayan, naka-attract na sila ng crowd malapit sa may campus gate dahil sa mga ayos at mga position nilang iyon. Dahil magkatapat lang ang College at Highschool campus ng Beverly School, pati ang mga highschoolers na babae ay pumasok na rin doon upang kumuha ng pictures nila gamit ang mga sariling cellphones.

"Tara na nga, baka lumabas na si Doreen," reklamo ni Jed sabay ayos ng tayo. Umayos na rin naman siya ng tayo. Dineadma lang niya ang mga nagkukumpulang mga girls sa may bandang kaliwa na naka-dreamy-eyed position. Handa na sana siyang lumabas ng gate nang biglang hilahin siya ni Jed sa may gilid. His friend had spotted the target.

"Ayun siya!" bulong nito na halos 'di mapakali sa pagtuturo sa babaeng naglalakad papalapit ng gate ng campus nila. Sa inaasta ni Jed na natataranta, halatang patay na patay talaga ito sa dalagang papalapit.

Tahimik siyang nakapagpasalamat bigla. Dati kasi ay nagkaroon sila ng conflict dahil ang babaeng nagustuhan nito ay nagkagusto sa kanya. Halos isang buwan din silang hindi nagpansinan matapos ang mahaba na sagutan. Wala naman kasi siyang gusto sa babae. 'Yun nga lag talagang patay na patay 'yung type ni Jed sa kanya. Matagal bago rin sila tuluyang nagkaayos. Magmula noon ay nangako siyang magiging mapagbantay. Ayaw niyang masisira lang ang kanilang pagkakaibigan dahil lang sa isang babae.

"Highschooler ang type mo? E parang 17 lang siya," aniya sabay sipat sa itsura ng babaeng dumaan.

"E ano ngayon, I'm just 19 you know."

Ngayon lang niya na-realize hindi sila magkasing edad ni Jed. Na-delay ang pag-graduate niya ng highschool dahil na-kick out siya dahil sa pag-skip niya sa mga classes nila. Mahilig kasi siyang maglaro ng computer games. Nineteen siya nung makatapos ng highschool. He was 20 now.

"Well...okay lang naman siya..." wika niyang bigla nang mapansin na hinihintay nito ang assessment niya. "Mukha nga lang siyang Dalmatian kasi ang dami niyang mga nunal sa leeg. Tsaka marami siyang split ends sa buhok."

Hindi niya puwedeng makalimutan ang itsura ng buhok ng babae dahil may hair salon ang kanyang mama. At home, during meal time at kahit nagbabakasyon, iyon ang bukambibig madalas ng kanyang mama, hair! Hair! Hair!

Kaya hayun, nahawa na rin siya.

"Alam mo, kaya ayokong sinasagot ang mga tanong mo, dahil iisipin mo lang na mapamintas ako. Siguro hindi pa talaga ipinapanganak ang babaeng pupukaw sa aking damdamin," aniya habang patuloy silang naglalakad.

"Hi Ruvick!" bati ng mga estudyanteng highschoolers na kasalubong nila. Yep, pati sa mga highschool girls ay sikat siya. Isang simpleng kaway lang ang ibinigay niya sa mga iyon. Lumingon siya sa katabi pagkatapos. "So ano, magpapagupit ka pa ba o..."

Naputol ang sasabihin niya. Nakabunggo kasi siya ng highschooler sa kadadaldal. The young girl's slender frame slowly fell down onto the concrete floor. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang reflexes kaya naagapan niya itong bumagsak.

"Miss sorry. Ok ka lang ba?" Puno ng concern ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi naman nakasagot ang natulirong highschooler habang inaalalayan niya. Pareho na silang nakatayo ngayon pero walang nagsasalita. Nakatitig lang sila sa bawat-isa.

Magaganda ang mga nitong cinnamon brown ang kulay. Mukhang nag-aapoy ang mga iyon dahil sa sikat ng araw sa tanghaling tapat. Pinagmasdan niya ang maliit nitong mukha. The beautiful details made his pulse rate quicken. Pero di niya mawari kung bakit may bumakas na kaunting takot sa mukha nito habang hinahawakan ang tagiliran ng ulo nito.

"Miss, nauntog ka ba?" nababahala niyang tanong dahil paulit-ulit ang paghimas nito ng ulo. Dahil sa gesture na iyon ay di niya napigilang pansinin ang thick dark brown shiny hair nito na paulit-ulit na hinihimas. Ilang saglit ay umaliwalas na din ang mukha nito.

Her hair was really gorgeous to look at. In fact, parang may humahatak sa kanya na haplusin iyon. 'Yung buhok nga ba nito o ang makinis nitong mukha na hawig sa isang manikang porselana? Pareho!

Maya-maya ay yumuko ito at may pinulot mula sa sahig.

Agad niyang napansin ang magandang pagbagsak ng malago nitong buhok sa slender nitong mga balikat.

Nalaglag pala ang kanyang mga libro! "Here, let me help you!" His tall physique bent down.

Biglang dumaan ang magaan na hangin at nalanghap niya ang mabangong samyo ng buhok nitong amoy Jasmine-Rose . Lumikha ng kakaibang reklamo sa kanyang sikmura ang pagiging malapit ng katawan nila. Napatitig siya muli sa mukha nitong nakayuko.

Ang ganda ng hugis ng ilong niya sa angulong ito, naisip niya. Muntik na niya iyon pisilin. Ba't ako nagkakaganito? Parang kiniliti ang kanyang tagiliran dahil sa curiosity sa babaeng katabi. An erratic pulse? You've got to be kidding Ruvick! Napailing siya na natatawa sa na-realize.

"Wala akong nakikitang nakakatawa sa nangyari!"

Di niya namalayang napapangiti pala siya sa naisip. Ha? "Teka," pigil niya rito matapos abutin ang braso nito. Pareho na silang nakatayo ngayon. She's so soft...proseso ng isip niya.

"Manyak ka ba or what!"

Matapos nitong hampasin ang kamay niya ay tumalikod na ito.

Mabilis na naglaho ang slim nitong pigura. Nanatili naman sa memorya niya ang malago nitong buhok na mahaba na parang kumakaway-kaway na tila ba nagsasabing, "sayonara!"

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon